Mabilis na lumipas ang isang taon, naging successful ang company ni Ashley sa Dubai sa tulong ni Jane at ng iba nyang empleyado, nakilala na din si Ashley ng ibang kumpanya sa Dubai dahil sa nakita nilang pag iinterior design si Ashley sa residential building ng AA real estate. Sa sobrang pagtutok ni Ashley sa trabaho nya ay hindi na nya nagawang makapagbakasyon sa Pilipinas at makibalita sa mga dating kaibigan, hanggang isang araw..."Ms. AC, may tumawag kanina Mr. Ian Del Carlo daw, kaibigan mo daw sya, nagaask sya ng appointment sayo this evening" sabi ni Jane noong dinidiscuss ang schedule ni Ashley
"Si Ian? Nagiwan ba sya ng number nya?" tanong ni Ashley
"Yes, AC. Here" sabay abot ng isang sticky note na may nakasulat na number
"Sige, Jane. thanks. Ok lang ba pakiclear muna ng schedule ko ng 5:00, maaga akong aalis ng office sana" pakiusap ni Ashley
"Sure,Ac. No problem" Nakangiting sabi ni Jane
"Thanks, Jane"
"Alaways welcome" saka lumabas ng opisina na ni Ashley si Jane
Agad namang dinaial ni Ashley ang number na iniwanan ni Ian, at nagring naman ito agad
"Hello, who's this?" sagot ni Ian sa kabilang linya
"Hi, can I speak to Ian Del Carlo?"
"May I know who's in the line,please?"
"Ashley, Ashley Cassandra Cruz"
"Ashley? Oh Thanks Lord, tumawag ka. Ako to Ash. Kamusta ka na? Mabuti nakuha mo sa Assistant mo yung number na iniwan ko" masiglang sagot ni Ian
"Sinabi nya agad sa akin at mabuti na nga lang nagbigay ka ng number mo, Im OK. Ikaw kamusta? Kelan ka pa andito sa Dubai? Paano mo nalaman ang contact ko?" tanong ni Ashley
"Noong isang araw lang, andito kami ni Tina para sa wedding gown nya. Si Anton Adam, pinsan sya ni Tina, nabanggit nya sa akin na Pinay ang interior designer nya sa bagong residential building nya at sobra ang paghangga nya sa gawa mo" sabi ni Ian
'Wow, what a small world. Anyways, how about dinner later with Tina, OK ba?" yaya ni Ashley
"Ofcourse, sure. Tina will be happy to see you" masayang sabi ni Ian "Besides, madami akong dapat itanong at sabihin sayo" biglang nagseryoso ang boses ni Ian
"Is there something wrong ba?" nagaalalang tanong ni Ashley
"We'll talk later,Ash. Just text me kung saan tayo magkikita at what time"
"Sige Ian, I'll see you later" saka nila inend call
Hindi maipaliwanag ni Ashley kung bakit nakaramdam sya ng biglang kaba.
Around 7:00 ang usapang pagkikita nina Ashley at Ian sa isang restaurant na di kalayuan sa office ni Ashley. Naunang dumating si Ashley sa restaurant at naghintay ng ilang minuto. Maya maya ay napalinggon sya sa entrance ng restaurant at nakitang papasok si Tina at Ian, kaya tumayo sya at kinawayan ang dalawa. Agad namang ngumit si Tina at Ian ng makita si Ashley at nilapitan.
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks