Alas Otso palang ng umaga ay ginising na ni Mark si JM. Nakakailang try na si Mark para tawagan si JM pero hindi ito sumasagot. Sa huling beses nya na sinubukan, finally sinagot na din nito."What the F, Bro. Anong oras na remember meron tayong meeting with the interior designer" malakas na sabi ni Mark
"Hey! Mark. Si Dina to, gigisingin ko nalang sya" halatang kakagising lang ng boses ni Dina
"Oh! Ahm! Sige sige, Dina please magprepare na kayo, baka si Ms. AC pa ang maghintay sa inyo. Nakakahiya sa tao"
"Sige na,Mark. We'll be there before 10. Bye na!" Saka inend call ni Dina
Pagkababa na pagkababa ng cellphone ni Dina sa gilid ng table ay agad nya ng ginising si JM.
"Hey! Handsome! Wake up!" Gising nito kay JM habang kinikiliti sa tenga ang binata
"Uhm!" Ungol ni JM saka gumalaw at nagmulat ng mata "Hi! Goodmorning!" Bati nito kay Dina
Binigyan ni Dina ng isang mabilis na halik si JM "We need to get up na, tumawag na si Mark. Nireremind nya tayo sa 10:00 meeting."
"OK. You go first, magreready na ko ng breakfast"
"OK!" Saka tumayo si Dina para maligo.
Habang sa bahay nina Matt, maagang nagising si Ashley para personal na magprepare ng breakfast ni Matt. Pagbaba ni Matt sa hagdanan, agad itong dumeretso sa kusina at sinalubong ni Ashley.
"Goodmorning,Honey! Halika na magbreakfast ka na" yaya ni Ashley
Niyakap ni Matt si Ashley mula sa likod,habang nakasiksik ang mukha sa leeg ng dalaga "Sana, si Manang nalang ang pinagprepare mo nyan Hon. Sana sabay tayong nagtake a bath" malambing na sabi nito sa dalaga
Natawa si Ashley at bahagyang siniko ang tagiliran ni Matt "Ang aga aga Mr. Smith, ang naughty mo!"
Pinaharap ni Matt si Ashley sa kanya at ipinulupot ang 2 kamay sa bewang ng dalaga. Agad namang ikinawit ni Ashley ang 2 braso sa leeg ng nobyo. "Ang swerte ko talaga sayo, nasa harapan ko ang perfect girl
For me! I love you, AC Cruz." Saka hinalikan ang labi ng dalaga.Nang maghiwalay ang mga labi nila "I love you too Mr. Matt Smith. At kaylangan mo ng kumain kase nakaready na ang driver mo sa labas, or else malalate ka sa unang araw mo sa opisina mo." Saka nito hinila si Matt at pinaupo at pinaghanda ng pagkain
"Gusto mo daanan kita later sa Taguig?" Tanong ni Matt habang kumakain
"Hindi na,Hon. Hindi ko din kase alam kung anong oras ako matatapos dun. I'll just give you a call once na tapos na ko sa meeting ko."
"Sige. Just give me my regards to Mark Acosta."
"I will" sagot ni Ashley
Before 10:00 ay nagpapark na si Ashley sa harapan ng CZLC. Pagbaba nya sa kotse ay saglit nyang pinagmasdan ang Club.
"Mukhang bago pa naman ang Club na to ah, bakit kaylangan nilang iparenovate" saka ito tumuloy sa loob at sinalubong ng guard
"Goodmorning,Maam. May kailangan po sila?" Tanong ng guard sa kanya
Inalis nya ang shades nya bago sagutin ang guard "Goodmorning din po. Im looking for Mr. Mark Acosta. May meeting po ako sa kanya. Im AC Cruz, interior designer po."
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks