Kinabukasan maagang kinatok ni Tristan si Ashley sa kwarto nya. "Goodmorning, are you ready?" bati nito saka mabilis na hinalikan sa labi ang nobya at kinuha ang gamit nito
Ipinulupot ni Ashley ang braso sa bewang ni Tristan "Goodmorning! Yah, let's go?"
Sabay silang nagpunta sa restaurant ng Farm para magbreakfast muna bago magbyahe pabalik ng Manila.
"We need to go back here. Kahit once in a month lang para naman makapagrelax tayo" sabi ni Ashley bago humigop ng juice
"Don't worry, I'll ask my secretary to search for more place like this. Siguro naman that time pwedeng isang room nalang ang ipabook natin?" pabirong tanong ni Tristan
"Bakit nabibigatan ka sa gastos? I can book my own room,noh!" natatawang sagot ni Ashley
"Seriously? Hindi parin pwede ng isang room?" natatawang sabi ni Tristan na wari'y nagrereklamo
"Let see!" nakangiting sabi ni Ashley sabay kindat.
After nilang magbreakfast, inassist sila ng staff papuntang parking lot, nakaakbay sa balikat ni Ashley ang braso ni Tristan habang nakapulupot sa bewang ni Tristan ang braso ni Ashley.
Nagkatinginan si Ashley at Tristan ng makasalubong nila ang staff na tumawag sa kanila na Mr. and Mrs. Tolentino.
"Ms. Cruz, Mr. Tolentino, ingat po kayo sa byahe. Sana po makabalik po kayo ulit" magalang na sabi ng staff
"Thanks for assisting us, sana sa pagbalik namin makita ka ulit namin, and who knows, Mr. and Mrs. Tolentino na kami that time" saka tumingin na mapilosopo kay Ashley
Isang kurot sa tagiliran ang isinagot ni Ashley,saka inirapan ang nobyo at lumayo ng bahagya kay Tristan.
"Ouch! Grabe!" reklamo ni Tristan habang tatawa tawa. Inakbayan nyang muli si Ashley at hinalikan sa ulo.
"Ingat po kayo,Maam Sir sa byahe. Hanggang sa susunod po nating pagkikita" paalam ng staff sa 2 bago sumakay sa kotse.
Naging mabilis lang ang byahe nila pabalik ng Manila. Dumeretso na sila sa unit ni Ashley para makapagpahinga agad ang dalaga.
"You want to eat, Babe? I still have supplies in my fridge" tanong ni Ashley ng abutan nito ng glass of water si Tristan na nakaupo sa sofa.
"Im Ok, magpapahinga lang ako saglit, then aalis na din ako, para makapagpahinga ka na din" sagot nito saka inakbayan si Ashley na nakaupo sa tabi nya
Inihilig ni Ashley ang ulo sa balikat ni Tristan "sabi ko naman sayo, papalitan kita sa pagdadrive" pagmamaktol nito
Hinalikan ni Tristan ang ulo ni Ashley "Kaya ko naman kase,Babe. At ayokong mapapagod ang girlfriend ko, gusto ko buhay prinsesa ka lagi"
"Asus! Talaga lang ah!" Natatawang sabi ni Ashley
"By the way, ako na ang maghahatid sayo bukas sa site. Para di ka na magdala ng kotse, then I'll pick you up after your work."
Umiling si Ashley "hindi na, ang layo ng Alabang sa Makati. For sure traffic pa bukas, Ok lang ako. Magkita nalang tayo dito sa condo or sa condo mo."
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks