29 - Approved

22 4 0
                                    

Kinabukasan, minabuti ni Ashley na magtrabho na. Naging ok naman ang pakiramdam nya. Pagdating nya sa site, nakasalubong sya ni Ida, ang assistant ni JM.

"Ms. Cruz? Bakit ka andito? Dapat nagpapahinga ka" may pagkabiglang sabi ni Ida

"Im already Ok, Ida. Kaya ko naman. Besides madami dami akong dapat asikasuhin na designs para sa bagong clients natin"

"Are you sure,Ms. Cruz? Ang alam kase ni Mr. Tolentino nakaindefinite leave ka"

Napakunot ang noo ni Ashley "Indefinite Leave? No, Ida, hindi ko naman kaylangan magleave,Ok na naman ako. Don't worry"

"Good to heard that. Yun kase ang bilin sa akin ni Mr. Tolentino bago sila magflight kanina"

"Nasa business trip sya?"

Umiling si Ida "No,Ms. Cruz. Nasa Dubai sila for 3 days ni Ms. Dina para sa designer ng wedding gown ni Ms. Dina"

Parang nagbara ang lalamunan ni Ashley sa narinig. Para syang sinampal ng katotohanan "Ah! Sige. Pasok na ko sa loob" akmang maglalakad na sya ay nagsalita si Ida

"By the way, Ms. Cruz. Ok na yung office mo, it's besides Mr. Tolentino's office. Nailipat na din yung gamit mo ng mga staff" nakangiting sabi ni Ida

"Ah! Ok, Ida thanks." saka ito naglakad papunta sa sinasabi ni Ida na opisina nya. Iniikot ni Ashley ang paningin sa loob ng opisina, nasa tamang laki lang ang ito, enough para ilagay nya ang mga gamit nya at makagalaw at kumportable syang makapagtrabaho. Tinungo nya ang table nya kung nasan ang computer at ilang gamit nya. Napaupo sya sa swivel chair at isinandal ang ulo at saglit na pumikit at sinabayan ng buntong hininga. Bakit parang nabigla ka pa Ashley Cassandra? Engagge sila, malamang magsisimula na silang magprepare para sa kasal nila. Anong akala mo,na after nyang magconfessed sayo, iuurong na nya ang kasal. Wag ka ngang ambisyosa,Ashley! Saka ito muling nagmulat at kinuha ang cellphone sa bag ng marinig ang pagtunog nito.Si irene.

Napangiti si Ashley bago sagutin ang tawag ng kaibigan "Hi,Rene! Kamusta?"

"Hello, there Sis. San ka? Are you free today?"

"Nasa Alabang site ako,Irene. May ilan lang akong kaylangan ifinalize then I'll be free after lunch,why?"

"Umh! Nakabalik na kase sina Leo at Tina from Honeymoon nila, gusto sana nila tayog iinvite sa bagong gawa nilang bahay. Pwede ka ba?"

"Kelan to, Sis?"

"Mamaya sana, magappaready daw sila ng dinner para dun na tayo kumain ng sabay sabay.Then we can stay there overnight. Tutal weekends naman"

"Sige, pupunta ako. Pasend nalang sa akin ng address"

"Ok Ok.. By the way is JM there? Kinokontact daw kase ni Ian out of coverage"

"Wala sya dito. Nasa Dubai sila ni Dina for 3 days para sa appointment daw sa designer ng wedding gown ni Dina"

"Oww! So may kasalan pala talagang mangyayari. Anyways, hayaan mo sila. I'll see you later,Sis."

"Yah! See yah!" saka nito inend call ang tawag. Ibinaba nito ang cellphone sa table nya at saglit na pinagmasdan He's mad at me. Galit siguro si Tristan sa akin. saka muling nagpakawala ng buntong hininga at nagsimula ng magtrabaho

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon