49 - Permission

29 4 0
                                    

Natapos ang ilang araw na pagdalaw ni JM kay Ashley sa Dubai, at nakabalik na ito sa Manila.

"Yes, Love. Ok naman ang naging flight ko pauwi dito. Hindi na kita tinawagan kase I know tulog ka na last night so I just sent you a message. Papunta na kong office ngayon. May lunch meeting ako" si JM habang kausap si Ashley sa cellphone

"Okey, goodluck sa meeting mo. Maya maya babangon na din ako, may ilang agenda din kami ni Jane today"

"Okey, be good! I'll see you soon, Love. Please come home na. Namimiss na kita!"

Napangiti si Ashley sa kabilang linya "Ilang oras palang tayong naghihiwalay miss na agad?" Natatawa nitong sabi "As soon as I settle everything here with in this week, baka ny next weekend andyan na ko, Love"

Napangiti si JM "I can't wait! Sige na Love, I'll call you later. Im driving" pagsisinungaling nito "Be good, OK? I love you!"

"Ingat ka. I love you too!"

Nakangiting inend call ni JM ang tawag at pinatay ang makina ng sasakyan. Bumaba ito sa driver seat at kinuha ang mga pasalubong para kay Tina sa compartment ng sasakyan nito. Napapangiting umiiling si JM habang bitbit ang ilang malalaking paperbag na pinamili ng nobya.

"Hey! Bro, good your here!" Bati ni Ian na kalalabas lang ng gate ng bahay nila

"Good your here also, Bro. Help me, pakibitbit naman ng ilan dito" paghinggi ng tulong ni JM

Takang taka si Ian "Ano ba tong bitbit mo? Pinakyaw mo ba ang mall?" Tanong nito habang kinukuha ang ilang hawak ni JM

"That's for your wife and for your baby. Si Ashley kase di magkandaugaga yesterday na bilhin yan. Mas excited pa ata sa inyong magaasawa para sa baby nyo at sa fashion ni Tina" iiling iling na sabi ni JM

Natawa si Ian "So you mean, bitbit mo to from Dubai?"

Nagkibit balikat si JM "Ano pa nga ba?"

Natawa si Ian sa itsura ni JM "Let's go inside andun na din sina Irene at Leo" yaya ni Ian at pumasok na sila sa loob ng bahay

Pagpasok nila dumeretso sila sa poolside kung saan naghihintay ang mga kaibigan

"Wow! Bro, you're the sweetest, dami mong pasalubong samin" sabi ni Leo ng mapansin na parating si JM at Ian na may bitbit

"You wished! But sorry, this are not for you. Para to kay Tina at sa Baby nya" nakangiting sabi ni JM ng makalapit kay Tina at bumeso saka ibinaba ang bitbit

"Ha? Ang dami nito JM. Anong meron? " natatawang sabi ni Tina

"Meron akong girlfriend, na excited pa sa inyong magasawa para sa baby nyo at sa fashion mo while your pregnant. Ashley, bought all of that." Sabi ni JM saka lumapit kay Irene at bumeso

"Excited si Ash ah! Baka gusto na din magbaby, JM?" Biro ni Irene

"I asked her nga, pero as usual nasoplak lang ako!" Natatawang sabi ni JM saka umupo sa tabi ni Leo

"Akala ko naman pasalubong mo for us" sabi ni Leo

"Ang sweet naman ni Ash! I'll call her later para magpasalamat." Sabi ni Tina

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon