47 - Where to stay?

28 2 0
                                    

Katulad ng inaasahan ni Ashley, naging busy sya sa pagbalik nya sa Dubai. Magiisang linggo palang sya mula ng makabalik ay tambak na ang trabahong inasikaso. Isa isa nyang inasikaso ang mga conflicts sa ilang client nya at the same time ang pagkausap nya sa Golden Scenery Residential dahil sa pag gamit nito ng mga designs nya. Nakaramdam ng lungkot si Ashley ng malaman na isa sa mga staff nya ang nagbigay ng designs sa competitor ng client nila.

"What exactly happened, Louise?" Galit na tanong ni Ashley sa staff nitong nagtraidor sa kanila

"Im sorry, Ms. AC. Kinaylangan lang po talaga ng Pamilya ko ang malaking halagang pera,kaya nagawa kong ibenta ang designs nyo" umiiyak na sabi ni Louise

Napahilamos ng 2 palad si Ashley "Louise, madaling sulosyunan yung problema mo. Sana nagsabi ka sa akin, willing akong tumulong, hindi yung gumawa ka pa ng malaking gulo. Ano nalang sasabihin ng pamilya mo pag nalaman to? Na kinailangan mong gumawa ng mali para may maitulong ka sa kanila? Sana hindi na humantong sa ganito"

"Im Sorry, Ms. AC. Im really Sorry! Kung kaylangan nyo po akong idemanda, tatanggapin ko po. Alam ko po na mali ako. Patawarin nyo po ako!" Umiiyak nitong sabi

Napabuntong hininga si Ashley "Alam mo, kayang kaya kong gawin yun, Louise.. kayang kaya kotang idemanda at ipakulong dahil sa ginawa mo." Kalmadong sabi ni Ashley, lalong napahagulhol ang empleyado nito "Pero ano namang mapapala ko kung mas lalo kong binigyan ng problema ang pamilya mo? Paano silang umaasa sayo? Para saan pa at naging magkababayan tayo?"

Iniangat ni Louise ang tingin kay Ashley "Ms. AC?"

Tumango si Ashley "Hindi na kaylangan humantong sa ganun, Louise. Pero sa susunod, isipin mo muna ang bawat desisyong gagawin mo. Ang mga epekto na posibleng mangyari. Ayoko ng maulit to, Louise."

Tumayo si Louise at mabilis na niyakap si Ashley "Im sorry, Ms. AC! Im really sorry! Salamat po sa isa pang pagkakataon. Hinding hindi na po ito mauulit, Ms. AC. Promise!"

Tumango tango si Ashley habang hinihimas ang likod ni Louise "Sige na, bumalik ka na sa Team mo. Madami tayong dapat asikasuhin para sa new designs ng Seaview Residential."

"Salamat po! Sorry po talaga!" Saka ito lumabas ng opisina ni Ashley

Napaupo naman si Ashley sa swivel chair at napayuko habang hawak ang 2 sentido.

"So, ganun lang yun, AC?" Si Jane na kakapasok lang sa opisina nya "Umiral na naman ang pagiging softhearted mo"

"Jane, wala na din namang mangyayari eh. Ang isipin nalang natin ngayon e matapos ang bagong designs para sa Seaview Residential. Then at the same time, pakidiscuss nadin sa Finance team natin ang cost, we have no choice but to shoulder all the expenses for the changing of designs"

"That's exactly my point, AC! Malaki ang mawawala sayo dahil sa ginawa ng staff natin, then ikaw basta basta mo nalang syang patatawarin. We can sue her. We can sue the Golden Scenery if you want, because they are using what supposedly not for them"

Umiling si Ashley "Binayaran nila si Louise, yung binayad nila kay Louise yun ung ibinayad nila para gamitin ang designs natin. Kung maghahabol tayo, si Louise at ang kumpanya ang makakaladkad sa napakahabang prosesong kaso. Which is a waste also of time and money. Mas mabilis masosolusyunan ang problema kung Seaview Residential na designs ang irerevised natin. Kaya naman ng kumpanya, Jane. Makakabawi din tayo. Please trust me with this one"

OUR PERFECT TIMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon