Pakiramdam ni Ashley wala ng luhang lumalabas sa kanya. Magdamag syang nagiiyak dahil sa nangyari sa bahay ng mga Tolentino. Durog na durog sya sa mga sinabi ng Daddy nina Tristan at Martin. Wala na syang mukhang maihaharap sa matandang Tolentino.
Bandang 9:00 ng umaga, habang nagkakape sa balcony si Ashley, biglang may nagdoorbell sa pintuan nya. Pagbukas nya ng pinto, muling dumaloy ang luha sa kanyang mata. Nasa harapan nya ang mga kaibigan, si Leo, Ian at Irene. Agad nitong niyakap ang mga kaibigan at hinayaan nyang lumuha sa balikat ng mga ito, ng mga taong nakakaintindi at lubos na nakakakilala sa kanya."Uminom ka muna, Ash!" Alok ni Leo ng baso ng tubig habang nasa sala sila.
Lumagok ng konti si Ashley ng tubig at muling hinarap ang mga kaibigan. "Thank you for coming, Guys! How do you know about this?"
"Tinawagan ako ni JM kagabi, sinabi nya sa akin ang lahat. Kaya tinawagan ko sila para sabay sabay kang puntahan." Sagot ni Ian
"Salamat, Guys. Ayoko na sana kayong bigyan ng problema. Balak ko sanang umalis ulit ng walang paalam katulad ng dati, which is alam kong mali"
"Ash, wag mong kalimutan na you're not alone, alam mong andito kami for you. We're not just friends, pamilya na tayo. Hindi ka namin pababayaan" sabi ni Irene habang hawak hawak ang kamay ni Ashley
"Im sorry Guys, paulit ulit nalang ang problema. Laging kami na nalang ni JM ang iniisip nyo. Nahihiya na ako sa inyo"
"Ano ka ba naman. Ash. Mahalga kayo sa amin ni JM. Hindi namin kayo pababayaan." Sagot ni Leo
"Anong plano mo ngayon?" Tanong ni Ian
"Flight ko bukas pabalik ng Dubai, wala sana sa plano ang pagalis ko, pero kailangan ako ng company ko dun, may problema kami sa isa sa mga kliyente namin kaylangan kong ayusin"
"Pero babalik ka naman diba?" Tanong ni Irene
"Aayusin ko lang ang lahat sa Dubai. Muli kong ibabangon ang sarili ko. Sa oras na okey na ako, sa inyo ako babalik. And I'll stay for good. Just give me enough time." Pilit na ngumiti si Ashley
"So.. so sa araw ng kasal ni JM ka aalis?" Tanong ni Leo "Hahayaan mo nalang bang makasal sya sa taong alam naman nating lahat na hindi nya mahal? Na kayo ang totoong nagmamahalan?"
Umiling si Ashley "Sobra sobrang gulo na ang ginawa ko sa buhay nya. Sa twing magkasama kami, lagi nalang may nasasaktan. Mahal sya ni Dina, at alam kong matutunan din ni JM na mahalin ang asawa nya"
"Hindi mo na ba sya kakausapin?" Tanong ni Ian
"Hindi ko alam, hindi ko alam kung paano ulit magpapaalam sa kanya. Ayokong makitang nahihirapan sya."
"Ito na ba talaga ang ending ng story nyo?" Seryosong tanong ni Leo
Isang pilit na ngiti ang ipinakita ni Ashley "We're not meant for each other. Naging parte lang kami ng buhay ng isa't isa."
Mabilis na niyakap ni Irene ang kaibigan. "You'll be ok, promise me!"
"I'll be OK, don't worry.. Babalik ako, babalikan ko kayo."
Hindi nagtagal ang mga kaibigan ni Ashley at umalis din. Agad namang iniayos ni Ashley ang mga gamit nya na dadalhin pabalik ng Dubai. Kasalukuyan syang nagpapahinga sa sala ng magring ang cellphone nya. Si Tristan. Nagdalawang isip sya na sagutin ang tawag ng dating nobyo dahil sa nahihiya sa dito. Hinayaan nya lang na nagring na nagring ang cellphone nya hanggang nakareceived sya ng text message dito.
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks