Kinabukasan pagdating ni Ashley sa Site, agad syang dumeretso sa loob ng opisina ni JM. Wala parin kase syang opisina sa Site kaya wala syang choice kundi ang tiisin na nasa iisang kwarto lang sila ng dati nyang kasintahan. Agad nitong sinimulan ang mga dapat iprepare para sa pagpepresent ng designs sa Ama. Kanina pa syang nakaharap sa laptop nya pero wala syang masimulang gawin. Naramdaman nalang nya ang pagtulo ng luha. Never in my mind na maisip na darating ang ganitong pagkakataon. Na magiging dahilan ako na mabuo ang ang pangarap na bahay ng Ama ko para sa iba nyang pamilya. Bagay na inagaw at ipinagkait nila sa akin. Ang magkaron ng isang bahay na may buong pamilya, to where I should feel safe and happy. Kung saan ko mararamdaman na hindi ako nagiisa. Tuloy ang pag tulo ng luha ni Ashley,agad naman nitong pinunasan ang mga luha dahil sa pagpasok ni JM.
Pagpasok palang ni JM sa opisina nya ay parang may sariling buhay ang kanyang mga mata at sa table agad ni Ashley nya idinako ang tingin. Napakunot ang noo nito ng makita ang nakayukong si Ashley at halatang dali daling pinupunasan ang luha na gustong itago.
Inilang hakbang lang ni JM ang kinaroroonan ni Ashley at agad na iniangat ang mukha nito para tingnan. "What's wrong? What happened? Are you ok?" nagaalalang tanong nito
Iniiwas agad ni Ashley ang tingin nito kay JM saka tumayo at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ni JM "Im OK, SIr. Napuwing lang ako" pagsisinungaling nito
Nilapitan ni JM si Ashley at iniharap sa kanya "Hanggang ngayon di ka parin marunong magpalusot, Ashley. Bakit ka umiiyak? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi. Sinaktan ka ba ni Tristan?"
Napakunot ang noo ni Ashley "Ofcourse Not, hindi ako kayang saktan ng kapatid mo. Ayan, ayan ang problema ko" sabay turo sa laptop nya na nakapatong sa table nya
Napakunot ang noo ni JM at dahan dahang tiningnan ang screen nito "Your design?" nagtatakang tanong ni JM
Tumango si Ashley "Yes, design para kina Mr. and Mrs. Cruz. Kanina ko pang gustong gawin yan pero hindi ko kaya" medyo humina ang boses nito "Hindi ko kaya,Mr. Tolentino. Hindi ko kayang tumulong sa paggawa ni Dad ng bahay at pangarap kasama ang bago nyang asawa. Ipagawa mo na sa akin ang lahat, but not this one. Please. JM" saka muling tumulo ang luha ni Ashley
Kitang kita ni JM ang paghihirap at sakit sa mga mata nito. ALam ni JM na totoo ang sinasabi nito. Nilapitan nito si Ashley at niyakap,hinaplos nito ang buhok ng dating kasintahan habang yakap yakap nitong umiiyak "You don't need to force yourself,Ash. I understand. Sorry, kung alam ko lang. Sorry"
Hinayaan lang ni Ashley na umiyak sya sa balikat ni JM. Pakiramdam nya she's safe. Hindi nya kayang lokohin ang sarili na namiss nya ang yakap ni JM.
Mabilis na humiwalay si Ashley sa pagkakayakap ni JM nang marinig nito ang katok sa pinto. Agad ito umupo sa swivel chair nya habang nakasunod ng tingin si JM.
"Come in!" Sigaw ni JM habang naglalakad papunta sa table nya.
"Hi! Mr. Tolentino, goodmorning po!" Si Ida, Assistant nya "Goodmorning, Ms. Smith!" Baling nito kay Ashley
Tanging ngiti lang ang isinagot ni Ashley kay Ida saka muling bumaling sa laptop nya.
"Mr. Tolentino, your Dad just called this morning, gusto daw po nya na tawagan nyo sya as soon as possible. And also Sir, nireremind po ni Ms. Dina yung appointment nyo later sa wedding coordinator nyo"
BINABASA MO ANG
OUR PERFECT TIME
Romance"I finally understood what true love meant...love meant that you care for another person's happiness more than your own, no matter how painful the choices you face might be." - Nicholas Sparks