Chapter 27: Six Kisses
________
Inis ko'ng minulat ang mata ko. Bumangon ako sa sofa at pinandilatan ng mata si Jehan na napakahimbing ang tulog. Bakit parang wala lang sa kanya yung paghalik nya saakin, samantalang ako hindi pa din maka move on! Di ko alam na magiging ganito pala ka big deal ang first kiss! What the fvck! Inis ko'ng ginulo ang buhok ko at bumalik sa pagkakahiga sa sofa. Grrr! Kung leon lang ako kanina ko pa sya nalapa!
Tumagilid ako habang hawak-hawak pa din ang labi ko. For fvcks sake! I can still feel his lips! Naiinis lang ako sa tuwing naaalala ko ang nangyari. Pero mas naiinis ako kasi kahit ano'ng gawin ko ay naaalala ko pa din sya! Arrrgh! Isa pa'ng ikinakainis ko ay kahit kailan di nya pa ako pinapatulog sa kama nya! Peste sya!
Bumalikwas ako ulit ng pwesto kaya nakaharap na ako ngayon sa likod nya. Pagkatapos ng ilang segundo ay humarap sya, iiwas na sana ako ng tingin nang may mapansin ako sa mga mata nya. Mapayapa sya'ng natutulog pero konti na lang ay may aalpas na na butil ng luha sa mga mata nya. Inangat ko ang katawan ko at sinandal ang siko sa sofa habang nakapatong ang baba ko sa kamay ko. Ano kayang pinapaginipan nya?
Binaling-baling nya ang ulo nya pakaliwa at pakanan. Pinagpapawisan din sya at parang di mapakali ang kinikilos ng katawan nya. Bumangon ako sa sofa at lumapit sa kinaroroonan nya. Wala sa sarili ko'ng inangat ang kamay ko para hawakan ang noo nya'ng namamawis. Bago pa dumampi sa noo nya ang kamay ko ay hinawakan nya ito.
Nanlaki agad ang mata ko, babawiin ko na sana ito nang hilahin nya ang kamay ko. Natumba ako malapit sa dibdib nya kaya napaangat kaagad ang tingin ko sa mukha nya'ng tulog na para ba'ng nakikiusap na wag ako'ng umalis.
"Don't leave...." kinurap ko ang mga mata ko. His pleading voice sounds husky, and I admit it was sexy. Hihilahin ko na sana ang kamay ko pero mas lalo nya'ng hinigpitan ang pagkakahawak nya saakin. Imbis na magmatigas pa ako para bawiin ang kamay ko, hinayaan ko na lang sya.
Inangat nya ang kamay nya at hinaplos ang pisngi ko. Napakurap ako sa pangalawang pagkakataon, what the hell. Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko, hindi naman ako kinakabahan. Marahan nya'ng hinahaplos ang pisngi ko gamit ang thumb nya. Nakagat ko ang labi ko, why do I feel awkward? Maybe because he already kissed me? Oh shit, naalala ko na naman!
Hinawakan ko ang pulsuhan nya para alisin ang kamay nya sa pisngi ko, pero bago ko pa man magawa yun ay nagsalita na naman sya.
"Please dad, don't leave...." huminga ako malalim. I remembered him saying his dad was dead, my mom was dead too. Kahit papaano ay alam ko kung ano ang nararamdaman nya. Hinawakan ko ang kamay nya'ng nasa pisngi ko at pinatong ito sa dibdib nya.
"I won't leave" I whispered. Tumayo ako sa pagkakaupo mula sa kama nya. Umupo na lang ako sa baba ng kama habang hawak-hawak pa din ang kamay nya. Pinatong ko na lang ang ulo ko sa kama nya at pinikit ang mga mata ko. Inaantok na din ako.
JEHAN'S POV
Pagmulat ko ng mata ko ay agad ako'ng napatingin sa kamay ko. Agad ko'ng nilingon ang nagmamay-ari ng kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumungad saakin ang tulog na mukha ni Lara. She's even more beautiful closely. She's definitely an angel when she's sleeping. Wala sa sarili ako'ng napangiti. What the hell, why am I even Smiling?
Nakita ko'ng kumurap ang mga pilikmata nya kaya pinikit ko kaagad ang mata ko. Naramdaman ko ang paggalaw ng kamay nya'ng nakahawak sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Me: The Empress
ActionMeet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...