Chapter 62

51.2K 1.8K 891
                                        


L'S NOTE: You guys must read this. I dunno but I was really emotional while writing this. LMAO. Not to mention I'm playing a sad song while revising the whole damn thing 'cause I changed my mind. Yes, I revised it, so it's a whole different thing. This song gives the vibe, so play it while reading. Thank you and may tears blessed you.

_______


Chapter 62. Dying

_________

IRISH' POV

"Saan niyo ba ako dadalhin?" I rolled my eyes at her. Patuloy pa rin siya sa pagpupumiglas, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"You know very well where we're going Vixen. Kailangan ko pa ba'ng sabihin sa'yo yun?" Pinaningkitan niya ako ng mata. Walang pasabi niyang sinipa ang lalaking nasa kaliwa niya, sinuntok niya naman sa sikmura ang isa kaya nahulog ang mga ito sa dagat.

"Sino ka ba sa inaakala mo para guluhin ang kasal ko?" Maanghang niyang wika. I smirk, see what we have here? The bride in her white gown, and the woman in her black shade. How ironic.


"Ako? Sino ako? I'm Irish Leonelle Lancaster, the hidden daughter of Gabriel Lancaster." Halata ang gulat sa mga mata nito dahil sa binitawan kong salita.


"Liar, ang alam ko'y anak ka ni Prime. That's why I engaged you with my son." Napangisi ako dahil sa sinabi niya.


"Mali ka ng alam. You see, that was all planned to fool the whole Mafia Organization." Nakita ko ang pangungunot ng noo niya.


"You're not Prime's daughter. That means ampon ka lang, at sinadya ka'ng ipaampon upang ikaw ang maging mata sa loob ng pamamalakad ng Maffioso." Napapalakpak ako dahil tama ang sinabi niya.



"Ang galing mo naman pala. What do I expect? Ikaw pala ang pinakamagaling kung pagtatraydor lang din ang pag-uusapan." Nagtagis ang bagang niya dahil sa sinabi ko. Pinagkrus ko ang braso ko habang nakatingin sa kaniya.


"May sinabi ba ako'ng mali? Hindi ba't tinraydor mo ang asawa't mga kaibigan mo? Ikaw pa nga mismo ang pumatay sa kanila, hindi ba?" Mapang-asar kong wika sa kaniya.


"Tumahimik ka..."


"Hindi ba't mas pinili mo ang sarili mo kesa sa mga taong minahal at pinahalagahan ka? Hindi ba't wala ka'ng ibang ginawa kun'di ang naisin ang mga bagay na kailan ma'y hindi mapapasa'yo?"


"Tumahimik ka!" Kinuha niya mula sa ilalim ng gown niya ang isang baril. Tinutok niya ito sa'kin habang nanggagalaiti sa galit.


"Iputok mo. Mas pinapatunayan mo lang na isa ka talagang demonyo. Tandaan mo, wala ka ng babalikan pa Vixen. Dahil sa ginawa mo, kakamuhian ka na ng lahat ng tao. Kahit anak mo, kamumuhian ka niya dahil sa ginawa mo!" Natigilan siya sa sinabi ko kaya bahagya akong natawa. How pathetic Vixen, aren't we?


"H-hindi niya ako magagawang kamuhian..." Napangisi ako. Sinipa ko ang hawak niyang baril kaya tumilapon ito sa dagat.



"Binaril mo ang babaeng mahal niya, sa tingin mo ba ay kakampihan ka pa niya?" Napakurap ito sa sinabi ko. Kinuyom niya ang mga kamay niya.



"Tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang mukha ni Lauren." She whispered. Hanggang ngayon ba naman ay labis na labis pa rin ang pagkainggit niya sa taong patay na?



Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon