Chapter 60

48.2K 1.7K 459
                                    


Chapter 60. Guns and Roses

____________

LARA'S POV

"Seth? Where are you?" Pumasok ako sa loob ng isang abandonadong warehouse upang makita siya, pero ni anino niya man lang ay hindi ko makita.



He called me late in the night yesterday, sinabi niyang mag'usap kami bago pa sumikat ang araw. Alas kwatro ang usapan namin, pero wala pa rin siya rito. Kapag hindi pa siya dumating ano ma'ng oras, aalis na ako rito. Kailan man, hindi ako maghihintay ng matagal sa isang tao. Wala 'yon sa bokabularyo ng isang Lara Quinn Miranda.



Naalarma ako nang makarinig ako ng mga yapak. Automatikong napatingin ako sa relo ko, ang ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang hindi dumadating sa tamang oras. Hindi ko na lamang siya nilingon, patunay na hindi ako natutuwa sa pagdating niya ng wala sa oras. Pero sa hindi ko malamang dahilan, may naguudyok saaking lumingon, kaya naman hindi ako nag-atubiling lingunin siya.




Isang matayog na sipa ang sumalubong sa'kin. Bahagya akong napaatras, at napasinghal dahil sinundan niya na naman ito ng panibagong sipa. Sa asar ko, ginantihan ko rin siya ng sipa. Naiwasan niya  naman kaagad ito ng walang kahirap-hirap. Nangunot ang noo ko nang mapansin kong iba ang hubog ng katawan niya. Sa pagkakatanda ko'y hindi ganiyan ang bulto ng katawan ni Seth.





Nagulat na lang ako nang tumakbo siya papalapit sa'kin. Hindi ko na nagawa pa'ng ihakbang ang paa ko palayo dahil masyado akong tuliro sa pagtutukoy kung sino siya. Bukod kasi sa walang ilaw dito, tanging ang sinag lang ng umuusbong na araw mula sa basag na bintana ang nagsisilbing liwanag sa madalim na parte ng warehouse na kinakatayuan ko.




Huli na nang maramdaman ko ang kanang braso n'yang madiin na nakadantay sa bandang leeg ko. Madiin ako nitong tinutulak hanggang sa mapasandal ako sa pinakamalapit na pader. Napadaing ako nang tumama ang likod ko. Marahas kong inangat ang tingin ko upang singhalan siya, ngunit nagulat na lang ako nang makilala ko kung sino siya.




Napakurap ako, at bahagyang umawang ng konti ang labi ko. Nagsimulang umusbong ang bigat ng emosyon sa kalooban ko. Lalo na't hindi ko matukoy kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga tingin niya. Tinikom ko ang bibig ko at pinanlamigan siya ng tingin. You hate him remember? Panindigan mo ang pagkamuhi mo sa kaniya Lara. Panindigan mo!


"What the he--"



Walang pasabi niyang hinapit ang bewang ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. He tightened his grip on my waist, making me swallow a lump on my throat. His smell blocked out my senses, his eyes lured me into him, making me hate and love him at the same time.




Iniwas ko ang tingin ko, sinubukan kong bumalikwas upang alisin ang pagkakahawak niya sa bewang ko, pero mas lalo niya lang itong hinihigpitan. Wari'y ayaw na ayaw niya akong bitawan kahit ano ma'ng mangyari. I hissed in my mind, umayos ka Lara. Alam mong hindi kayo pwede, alam mong nasaktan ka niya, alam mong planado niya lahat ng nangyayari. Wag ka'ng magpaloko sa kaniya.





I was taken aback when his lips pressed against mine. He tightened his grip on my waist, digging his nails on my hips while kissing me relentlessly. I gasp, and he took that opportunity to shove his tongue inside my mouth. Inangat ko ang magkabilang kamay ko para itulak siya, pero mas lalo niya akong idinidiin sa pader kaya hindi ko magawang makaalis sa bisig niya.




My lungs started to burn with lack of air, as he continued to soffucate me with his harsh kisses. Iniwas ko ang ulo ko, pero hinabol ng labi niya ang labi ko. I'm not kissing him back, I'm trying my best not to. He then bit my lower lip, causing me to let out a painful whimper. Pakiramdam ko ay dudugo na ang labi ko sa ginagawa niya.




Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon