Chapter 36. Warning
__________
Naririnig ko na ang mga bulungan ng mga gangsters sa paligid dahil ilang minuto ng nagsisimula ang laban, pero wala kaming iba'ng ginawa kundi ang magsukatan lang ng tingin. Sa di ko malamang dahilan, nagdadalawang-isip ako'ng sugurin sya. Di ko naman alam kung bakit. Dahil siguro kilala ko sya, or let's say dahil fake boyfriend ko sya?
"The tension is building up! Sa unang pagkakataon ay nakipagsukatan ng tingin si First! Who is this lovely lady anyway? At bakit parang nag- aalanganin sya'ng sumugod? Magkakilala kaya sila'ng dalawa?"
I hissed. That announcer is dad's secretary, Lavender. Remind me to kill him later, talagang marami sya'ng kadaldalan na sinasabi. Baka dahil sa kanya malaman pa ni Jehan na ako ang kaharap nya.
Dahil mukhang naniniwala sa 'Ladies first' to'ng si Jehan, inunahan ko na sya. I gave him a frontal kick, but he dodged it by tilting his head to avoid it. Gumanti din sya ng sipa papuntang tagiliran ko kaya umikot ako pakaliwa para maiwasan ito. Pag-ikot ko naman sa kaliwa ay sumalubong saakin ang panibago nya'ng sipa. Mabuti na lang ay nakita ko ito kaagad kaya nakaatras pa ako para iwasan ito.
Ang bilis ng kilos ng paa nya. Sa tingin ko ay black belter din 'to sa taekwondo. Bawat sipa na binibitawan nya ay pulido at tantya'ng-tantya nya. Nararamdaman ko din na kung sakali mang matamaan ako ng sipa nya ay maaari'ng matumba ako ng wala sa oras. Too bad, kaya ko'ng makipagsabayan sa bawat kilos nya.
So far, he didn't threw any punches just yet. Siguro dahil babae ako, it's against his pride and ego to punch women. Gentleman sya, sa pakikipaglaban nga lang. We call that Gangster Etiquette.
Tumakbo ako papalapit sa kanya at umaktong sisipain sya malapit sa kaliwang leeg nya, nang akmang iiwas na sya pakanan, umikot ako at sinipa sya sa kanang leeg. Natamaan sya kaya bahagya sya'ng napaatras. That's my forte, faking kicks and attack.
Napasinghap naman ang mga manonood nang matamaan ko sya. Yung iba nagulat pa dahil wala pa ata sa kanila ang naglakas loob na kalabanin, at tamaan ito saang mang parte ng katawan nya. Swerte nya pa nga at di kalakasan ang pagsipa ko sa kanya, dahil kung sakali mang malakas yun, kanina pa sya natumba.
I saw a glint of wicked smile on his eyes. What the hell Jehan? Bakit pakiramdam ko kanina nya pa ako pinagbibigyan? Hindi nya binibigay ang buong lakas nya, nakikipaglaro lang sya saakin. Dahil wala ako'ng bangs na maihip ngayon dahil sa inis, napahawak na lang ako sa maskara na suot ko.
Kahit kelan talaga ang lalaking to, lakas makapang-insulto eh. Nabalik ako sa realidad nang gamitin nya ang kaliwang braso nya upang hampasin ako. Mabilis ko namang sinangga ang braso nya gamit din ang kaliwang braso ko. Nag-espadahan lang kami gamit ang mga braso namin. We look like kids fighting over something. The funny thing is, no one between us is planning to back away.
Halos di ko na ikurap ang mata ko sa bilis ng kilos nya. Pakiramdam ko kasi konting pikit ko lang ng mata ko ay mababawasan ang bilis ng pagsangga ko sa atake nya, at pag nangyari yun, pwede nya mahuli ang kamay ko. Dahil kanina pa ako hindi kumukurap, napagdesisyunan ko'ng dumistansya muna sa kanya saglit. Sa di inaasahang pagkakataon ay napakurap ako kaya nagulat na lang ako nang mahila na nya ang braso ko ng ganun ka bilis.
Tangina sabi ko na nga ba isang kurap lang at mahuhuli na nya ako kaagad! Alam ko ang susunod nya'ng gagawin, iikot sya para pilipitin ang kamay ko. Kaya bago nya pa magawa yun ay hinila ko din ang braso nya na nakahawak saakin. Inangat nya ang tingin nya saakin, at nagkatitigan na naman kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Me: The Empress
ActionMeet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...