Chapter 52

52.6K 1.9K 388
                                    

Chapter 52. Right or wrong one?

__________

JEHAN'S POV

"Are you sure she's the Gangster Empress?" Humarap ako sa Gangster Emperor. Tinanggal ko ang maskara ko bago tingnan sa huling pagkakataon ang babaeng kaharap ko.





"Yes, I am." Tumitig saglit ang Gangster Emperor sa babae, bago magsalita.





"Then unmask her." Humakbang ako papalapit sa kaniya, na siyang kinaatras niya naman ng bahagya.





Napangisi ako, the Gangster Emperor looks calm and relaxed, but this girl shows a different reaction to that. Hinawakan ko ang tali ng maskara niya, akmang tatanggalin ko na ito nang pigilan niya ako.





"You'll regret it if you see my face," she muttered. Napakunot ang noo ko, her voice sounds familiar.






"I don't care." Tinanggal ko ng tuluyan ang maskarang nakalagay sa mukha niya. Napakurap ako ng bahagya. Halos mapanga-nga ako nang makilala ko kung sino siya.





Hindi pa nga ako nakakabawi sa bigla nang magsimulang magtanggal ng maskara ang tatlo niya pang kasama. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makilala ko rin kung sino ang mga ito. What the hell...





Sinasabi ko na nga ba't hindi sila ordinaryong estudyante lang. Sinasabi ko na nga ba't may tinatago ang babaeng to, kaya ganun na lang siya kaangas at kawalang takot sa mga nangyayari sa buhay niya. Bakit niya tinago saakin 'to? Damn, I was deceived.



KIEL'S POV


Napakurap ako nang taggalin ni Jehan ang maskara ng babaeng pinaniniwalaan niyang ang Gangster Empress. Kasabay nito ay ang pagtanggal ng maskara ng tatlo niya pang kasama. Ganun na lang ang pagkagulat ko nang may makilala akong babae.






Napasinghap ako, ni hindi ko namalayang napatayo na pala ako sa gulat. Rinig na rinig ko rin ang pagsisinghapan ng mga Emperors sa tabi namin. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko nang tumitig siya sa sa gawi ko.





Damn, I was right about her! With her strength and senses like that, she can't just be a normal girl around. Kaya pala bale wala lang sa kaniya ang mga babala ko tungkol sa maaring banta sa buhay niya, kapag makikipagsalamuha pa siya sa mga gangsters. She's the gangster herself! Worst is, she's the protector of the society!






Matapos niyang tumitig saakin, binalingan niya ng tingin ang mga myembro ng Emperors na gulatang din sa nakita. She's looking at them with a blank stare, kaya ganun na lang ang paglunok ng mga ito habang nakatingin sa kaniya.






"Now here's the chase." Biglang nagsalita ang Gangster Emperor kaya napatigil ang lahat upanv makinig dito.






Hindi ko naman magawang alisin ang paningin ko sa babaeng kilalang-kilala ko. Nakaangat ang tingin niya sa Gangster Emperor, pero hindi niya alam na kanina pa siya tinititigan ni Jehan. Alam na alam ko ang pakiramdam niya, he's seeking for an answer. The answer for the questions he can't even ask because of the situation we're in.







"I will not confirm anything, it's up to you to believe if she's the Gangster Empress or not." Napailing naman ako. Ano ba'ng binabalak ng Gangster Emperor? Sinuot nila muli ang kanilang maskara upang takpan ang kanilang mukha.






"You may leave now Illegal Empress." Agad na lumabas ang mga ito, pero bago mangyari 'yon nahagip ng mga mata ko ang pagtitig niya kay Jehan. Halatang gulat pa rin ito sa nakita at natuklasan.





Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon