Chapter 50

64.4K 2K 315
                                        

Chapter 50. Search for the Gangster Empress

____________

JENNIE'S POV

"Ang liit talaga ng mundo," rinig kong wika ni Rosé. I nod, the world is indeed small.





"All this time, hindi natin alam na nakakasalamuha na pala natin ang anak ng former Gangster Empress. Malapit na tayo sa katotohanan." She added.






May dahilan pala ang paglipat namin sa Corrigan University. I thought walang maidudulot na maganda ang pagmerge ng school namin, I never thought this will happen, and I'm really thankful I met her. We're close to the truth because of her.





"Ikaw si Mayen?" Kunot noo kaming napalingon kay Jessi. Nakahilata siya sa sofa habang nakatirik ang mga mata niya. Minsan di ko rin alam kung ano ang trip ng isang 'to eh.





"All we need to do is find her. Find that cunning bitch!" Asar kong sabi at di na lamang pinansin pa ang sinabi ni Jessi. Kitang nasa kalagitnaan kami ng seryosong pag-uusap tas bigla siyang gaganyan? Sapakin ko kaya siya?





"Pag di mo sunod usapan, buhay ang kapalit." Pokerface kaming napalingon ulit kay Jessi sa pangalawang pagkakataon. Gulo-gulo na ang buhok n'ya, nakataas pa ang dalawalang mga kamay niya na para ba'ng nananakot.






"Pffft~ HAHAHA!" Tumawa siya ng malakas. Hinahampas-hampas niya pa sa tuwa ang sofa. Naigulong ko na lang ang mga mata ko, ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng to.






"N-nakakatawa talaga ang r-reaction niyong dalawa! Hakhak!" Napa-iling na lang ako.







"Mas mabuti pa siguro hugasan mo na lang ang mga pinanggan Jessi, nang magkaroon ka naman ng pagkakatuwaan." Tatawa-tawa itong tumayo sa sofa. Nag peace sign na lang siya bago pumanhik papuntang kusina.






Pagkatapos ng ilang segundo, nagulat na lang kami nang mamatay ang lahat ng ilaw sa loob ng bahay. Agad napayapos sa braso ko si Rosé. Halos mapasigaw kami sa gulat nang lumitaw sa harap namin si Jessi. Hawak-hawak niya ang isang flashlight malapit sa mukha niya.






"What the fvck Jessi!" Akmang sasapakin ko na siya nang bigla niyang ilagay ang hintuturo niya sa bibig niya. She's signaling us to shut up.







"May natatanaw akong bulto ng tao na papalapit sa bahay," napakunot naman ang noo ko.





"Baka si Lara?"






"Bulto ng lalaki, at sigurado akong di si Lara yun." Napatayo naman ako. Kinuha ko ang light stick na nakatago sa ilalim ng sofa. Hinataw-hataw ko ito sa ere hanggang sa lumabas ang kulay nito.






"Tara sa basement." Agad kaming pumunta sa basement. Kinagat ko ang light stick na hawak ko habang kinakalikot ang mouse upang paikutin ang CCTV camera. Nakita ko ang tinutukoy ni Jessi na isang bulto ng tao na papalapit nga sa mansion.







"Who is he?" Kunot noo kong tanong. He's wearing a jacket, cap and a mask. Suot niya pa lang mukhang wala siyang magandang binabalak.






"Should we turn on the lights here? Mukhang di niya naman malalaman na nasa basement tayo." Suhestyon naman ni Rosé.





"No, just let it be. You have your earpiece right?" Tumango silang dalawa.






Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon