Chapter 13: Hangover
____________
"Anong tinitingin-tingin nyo!? Ngayon lang ba kayo nakakita ng magandang nilalang ha!?"
Iniling ko ang ulo ko. Ano bang pinagsasabi ko? Argh, nababaliw na ata ako.
Napatingin ako sa hawakan ng bote na hawak ko. Nakabulagta na sa sahig ang lalaking napukpok ko sa ulo. Agad syang nilapitan ng ilang kasamahan nya habang ang iba naman ay pinaliliskan ako ng mata.
"Get her!" Pinatong ko kaagad ang kaliwang kamay ko sa upuan at sinipa ang dalawang lalaking papalapit saakin.
Umakyat ako sa marble table at kinuha ang isang wine na nakapatong duon. Napangiti ako nang makitang Poison Berry ang alak na yun. May umamba ng sipa sa paa ko upang patidin ako kaya tumalon ako. Kamuntikan pa ako madulas kung di ko nabalanse ang katawan ko.
Tuluyan ng napatigil sa mga sariling ginagawa ang mga tao sa loob ng bar. Lahat sila nakatingin sa nangyayaring kaguluhan na dulot ko. Teka, ako ba gumawa ng kaguluhang to? Anyway...
"Bumaba ka jan!" Inangat ko ang hawak kong bote at lumagok muna ng alak bago ko sila balingan ng tingin.
"Ha? Di kita marinig eh. May sinasabi ka ba?" Kinulikot ko pa ang tenga ko para asarin sya.
"Sabi ko bumaba ka jan! Ilabas mo ang mga gangmates mo para magkaalaman tayo dito!" Lumagok ako ulit ng alak at nakapikit-matang dinamdam ang lasa ng alak.
"Excuse me? Am I hearing a dog barking?" Pinanlisikan nya ako ng mata kaya nginitian ko na lang sya ng matamis. Ang ganda ko talaga, shit. Lumagok ako ulit ng alak at di na sya pinansin pa.
"Ayaw mong bumaba ha!" Nahablot nya ang kaliwang paa ko kaya tinigil ko ang paglagok ng alak. Hinila nya ito pababa kaya ginamit ko ang kanang paa ko para sipain sya sa mukha nya.
Sakto namang lumanding ako sa upuan kaya napangisi ako. Pinatong ko ang isa kong paa sa isang upuan at maangas na lumagok ulit ng alak. Ang ganda ko talaga, shit.
"Sumusobra ka na sa kayabangan!" Naningkit ang mata ko nang hablutin ng isang lalaki ang upuan at inihampas ito papunta sa gawi ko.
Pinatong ko ang alak sa lamesa at umiwas sa paparating na upuan. Ang wild nya, bagay sya sa zoo.
Narinig ko ang pagbasag ng bote ng alak kaya nangunot ang noo ko. Deep shit, did he just broke my fvckin' wine!? Magkakamatayan na dito!
"You mess with me, I'll mess up with your face!" Sumugod na ako sa kanila kaya sumugod na din sila saakin. Kinuha ko ang dalawang upuan sa tabi ko at hinagis ito sa mga punyetang mukhang walking banana. Ang tatangkad nila kahit minors pa gaya ko.
Sapul sa sikmura ang tinamaan ng isang upuan samantalang ang isa naman ay nakaiwas. Dahil nga nakaiwas sya ay tumama ang upuan sa isang lalaking nakikipaglandian sa likod nya. Oops, my bad.
"What the fvck! Habulin sya!" Dahil masunurin ang mga alagad nya, tumakbo nga sila papalapit saakin para habulin ako. Talamak ngayon ang malalandi sa Pilipinas kaya okay na rin yung pagtama ng upuan sa kanya, di ko na din pinagsisihan.
So to make things more exciting, I ran and let them chase after me. Ang ganda ko talaga, hinahabol ako ng sandamakmak na lalaki. Oh shit, tinamaan na ata talaga ako ng lintek na alak.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Me: The Empress
AksiMeet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...
