Chapter 64

44.7K 1.8K 809
                                    


Chapter 64. She's Back

___________

JENNIE'S POV


"What the hell is going on? Sino ang babaeng 'yan? Hindi ko siya masyadong makita mula rito." Bulong ko.




"Shit, you'll never gonna believe it." Nagtaka naman ako sa sinabi ni Jessi. Sa aming tatlo, siya ang pinakamalapit sa Arena, kaya nakakasigurado akong nakikita niya ng mabuti ang mga tao mula roon.





"'Wag ka namang pabitin Jessi, sino ang babaeng 'yan? Is she the intruder?" Atat na tanong ni Rosé. Inayos ko muna ang pagkakapwesto ng magkabila kong binti sa bar rings na kinauupuan ko. Nangangawit na rin kasi ako't nangangalay na braso ko.




"It's Lara..." Muntik na akong mahulog nang marinig ko ang sinabi niya. Inayos ko pa ang pagkakalagay ng earpiece sa tenga ko dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.





"What? Are you sure? Hindi magandang biro 'yan Jessi." Paninigurado ni Rosé.





"Suot niyo ba ang glasses na bigay ng Gangster Emperor?" Umiling ako. Hindi ko ito suot pero nakasabit lang naman ito sa collar ng damit na suot ko.





"Wear it, push the button in the right side." Sinuot ko naman ito, at pinindot ang maliit na button sa right side tulad ng sinabi niya. Nang pindutin ko ito ay agad nagzoom-in ang paningin ko. Hinawakan ko ng mabuti ang salaming suot ko, at binaling ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa gitna ng Arena.





Naalala ko ang babaeng dumaan sa passageway na binabantayan ko kanina. That can't be, buong akala ko namamalikmata lang ako sa nakita ko. Pinasidhan ko ng tingin ang likod niya, hindi pa siya lumilingon sa gawi ko kaya hindi pa rin ako nakakasigurado kung siya nga ba talaga 'yan. Ngunit tindig pa lang, ang buhok niya't, ang angas ng pananamit niya, walang duda na si Lara nga 'to.





"Side view lang ang nakikita ko, at kamukhang-kamukha niya nga si Lara." Rinig kong sabi ni Rosé.






Namatay bigla ang ilaw kaya hinanda ko na ang hawak kong baril. Ikalawang beses na nangyari ang pagpatay ng ilaw, kaya mas mabuting handa na kami sa ano ma'ng maaaring mangyari. Bumukas ang ilaw kaya agad akong napalinga upang tingnan kung may kalaban ba o wala.




"You think you can conquer the Gangster Clan, bitch?"




Hinanap ko kaagad kung saan nagmula ang boses na 'yon. Rinig na rinig ito sa buong Arena, kaya halos lahat ng mga gangsters sa paligid ay napapalinga rin upang tukuyin kung saan nagmula ang malamig na boses na 'yon. Malamang ay nag live broadcast ito sa Operating Room, pero malabo naman itong mangyari dahil nakalock ito ngayon.





"How you dare, how you dare." Mapaglaro nitong wika.






Pagkatapos ng ilang segundo, napuno ng puting usok ang buong Arena. Halos wala na akong makitang tao sa kapal ng usok nito. Kinuha ko ang itim na panyo sa bulsa ko't tinali ito sa mukha ko upang takpan ang ilong ko.





"Nawala sa paningin ko si Lara." Wika ni Jessi. Nang hagilapin ko kung nasaan siya, hindi ko na rin siya makita dahil sa kapal ng puting usok.





Natahimik na lang ang lahat nang makarinig ng papalapit na tunog ng takong. Matinis ang tunog nito't talagang nakakakaagaw ng pansin. Pinakinggan ko ng mabuti kung saang dereksyon ito papunta, ngunit sadyang nakakalito itong matukoy kung saan. Nakarinig ako ng pagkasa ng baril kaya naalarma ako.




Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon