LARA'S POV
"Mom, where did humans came from?" Nangunot ang noo ko. Yumuko ako upang tingnan siyang naglalaro ng mga baril-barilan. Nagkalat pa ang laruang bomba at mga kutsilyo sa lapag kaya napakamot na lang ako ng ulo. He's too young to ask me that question. He should just play with his toy guns and knives, mas mabuti pa yun.
"Mom!" Hinila niya ang jeans na suot ko kaya naigulong ko na lang ang mata ko. This kid is hard-headed, manang-mana sa tatay niya.
"Bakit mo ba natanong?" Nagkibit-balikat naman siya.
"Is it wrong if I ask?" Sabi ko nga hindi naman mali ang pagtatanong. Umupo na lang ako sa tabi niya. Ito ang kinakaasar ko minsan sa mga bata, ang daming tanong.
"Humans came from God. He made us out of dusts, and we became what we are." I said while stroking his hair. Inangat naman niya ang tingin niya, nakakunot ang noo niya't parang may napansin siyang mali sa sinabi ko.
"That's weird, dad said we came from apes. He said it was according to Mr. Charles Darwin. Now I'm confused, enlighten me please." Scientifically, it was said we came from apes. Biblically, we came from God. Napangisi ako nang may pumasok na kalokohan sa isip ko.
"Makinig ka, para maliwanagan ka okay? He's explaining the side of his family, mula daw siya sa mga unggoy. Ako naman mula ako sa alikabok na ginawa ng Diyos, kaya walang kupas ang ganda ko." Tumango-tango naman siya kaya 'lihim akong napahalakhak. What I like about kinds, madali silang mauto.
"Did I came from a sexual intercourse between an ape and dust?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"W-what? What intercourse?" Kunot na kunot ang noo ko. Napatigil siya sa paga-assemble ng laruang baril bago tumingin sa akin.
"Sexual intercourse. It's when a sperm cell and egg cell meet and unite!" Parang wala lang niyang sagot.
"Who the he—Who taught you that?"Inangat niya ang hawak niyang laruang baril sa pool area. Tiningnan ko ng deretso kung saan ito nakaturo. Naningkit ang mga mata ko kung sino ang taong yun.
Ginulo ko na lang ang buhok niya't nagtungo sa pool area. Naabutan kong may kanya-kanya silang ginagawa. Nagluluto si Xael kasama ang asawa niyang si Amanda. Justine's busy playing around with the kids on the pool. Rio with his wife are arranging the foods in the table.
"Baby J'lo, what do you want when you grow up?" Tanong ni Jessi sa bata.
"Seaman," Poker face nitong sagot habang tinatampisaw ang paa niya sa pool.
"Oh! Marunong ka ba lumangoy?" Tuwang-tuwa nitong tanong. Umiling naman si J'lo kaya nangunot ang noo ni Jessi.
"Eh? Paano ka magiging seaman kung hindi ka marunong lumangoy?"
"Bakit? Ang mga piloto ba marunong lumipad?" Natahimik si Jessi dahil sa sinagot nito. Napahalakhak na lang ako, tangina dinaig pa siya ng bata!
"SETH! ITONG ANAK MO KUNIN MO BAGO KO PA LUNURIN! LINTEK! MANANG-MANA SA'YO!" Nanggigigil nitong saad. Umahon sa pool si Jennie at natatawa-tawang nilapitan si Jlo.
"Mommy what's wrong with her? Is she stupid? Why is she aski—"
"Shh! Stop saying that! Stop being rude!" Awat niya rito habang nagpipigil sa tawa.
"Dad said it's good to be rude, and it's rude to be good." Napatampal na lang sa noo si Jennie. Umiling na lang ako't nagpatuloy sa paglalakad patungo sa taong pakay ko.
"John Austin Costello! Jam nasaan ang anak mo?" Napatigil siya sa ginagawa niya. Napakamot na lang ako ng batok ko, nakita ko pa yun kani-kanila lang. Saan na naman ba 'yon nagsususuot?
BINABASA MO ANG
Unpredictable Me: The Empress
ActionMeet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...