Chapter 11

81.1K 2.5K 680
                                        


Chapter 11. Thank You

__________

I have a pen~

I have an apple~

"Ugh!" -Jam

"Apple pen~" -Justine

I have a pen~

I have pineapple~

"Ugh!" -Jam

Tinapon ko ang chichiryang hawak ko kay Jam. Taena! Maka 'Ugh' to nagtutunog ungol e! Umagang-umaga umaandar na naman kamanyakan nya!

"Haha! Makiride ka na lang babe!" Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Isa pang babe mo, paduduguin ko yang bibig mo!" Irap ko. Tinaas naman nya ang magkabilang kamay nya.

"Whoa! Easy lang! Di ka na mabiro!" Inis akong umalis sa sala at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Jam is getting on my nerves lately. Isang beses ko pa talagang marinig ko ang pagtawag nya ng 'babe' saakin, babangasan ko mukha nya.

Lumakas bigla ang volume ng pen-pineaaple-apple pen kaya napalingon ako sa kanila. Nagsasayaw na ang apat na baluga sa sala. Namely Jam, Justine, Seth and Rio. Di ko alam na may topak din pala tong si Seth at Rio. Napailing na lang ako, siguro nakakalog din utak nila kaya ganyan.

Paglingon ko ay nakita ko si V na mukhang nagluluto, suot nya ang Pink na apron ni Xael. Nangunot ang noo ko, normally si Xael kasi ang nagluluto, I wonder where he is?

"Hey V" napalingom naman sya saakin.

"Nasaan si Xael?"

"Ahh. Bumili sila Jehan ng pagkain, paubos na kasi ang stocks sa ref. " masaya nyang sagot.

"Kanina pa nga ang mga yun e, nagugutom na ako kaya magluluto na ako!" He added.

Tiningnan ko lang sya habang nilalagay ang frying pan sa stove. Nangunot ang noo ko sa sunod na pinanggagawa nya. Marunong ba to magluto?

I mean look at him! Frying pan on the stove (with no fire) + frying pan (with no oil) + Egg ( with shell ) = Actual freak. Does he even know how to cook???

I mean, paano mo lulutuin ang itlog kung walang oil? At higit sa lahat, may egg shell pa! Seryoso ba kayong tao to at di isang elyen na galing ibang planeta? Pati pagluto ng itlog di alam?

"I'm so proud of you V" irap ko.

"Talaga!? Whaa! Thank you!" Sinamaan ko sya ng tingin. Gago ba to? Di ba sya nakakaintindi ng sarcastic?

Binuksan nya ang apoy sa stove saka ginulong-gulong ang itlog sa loob ng frying pan. Habang tumatagal ng tumatagal ay mas lalong kumukot ng kumukunot ang noo ko. What the hell is he doing!

"That's weird! Bakit ang tagal maluto?" Napahinga ako ng malalim nang makita kong problemadong-problemado ang mukha nya.

"What are you trying to cook?" He gave me his sweetest smile kaya bahagyang napataas ang kilay ko.

"Boiled egg!" Napasapo ako ng noo. What the actual fvck? Boiled egg nga diba!? Boiled! Boiled kasi papakuluan! Eh anong kagaguhan yang ginagawa nya? Bakit sa frying pan nakalagay? Grrr! Umiinit na naman ulo ko!

"PEN PINEAPPLE APPLE PEN!"

Dahil sa inis ko ay dinampot ko ang bread knife sa tabi ni V at tinapon ito papunta sa gawi ng mga maiingay na baluga sa sala.

"Shit!" Rinig kong mura ni Jam. Nilingon ko sya at nakita kong nakatarak ang bread knife sa pagitan ng dalawang hita nya.

"LARA!" Kinakabahan nyang sigaw.

Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon