Chapter 19

63.8K 1.9K 671
                                    


Chapter 19: Phobia

___________

Pagod na pagod akong pumasok sa Dorm. Gabi na ako nakauwi kakahanap ng kwintas ko, pero di ko pa din ito nakikita. Pumasok ako sa kwarto ko at nagbihis. Pagkatapos nun ay pumanhik ako ng kusina para magluto ng noodles. Nagugutom na kasi ako dulot ng di ako nagtanghalian kakahanap ng kwintas ko.





Di na din ako nag-abalang buksan ang ilaw dahil may liwanag naman galing sa bintana. Pagkatapos ng ilang minuto ay umupo na ako sa harap ng lamesa at kumain ng noodles. Naningkit ang mga mata ko nang sumagi sa isip ko si Kevin, sya ang may kasalanan kung bakit nawala ang kwintas ko.





Pasalamat sya at walang pasok bukas. Dahil sa oras na makita ko ang mukha nya, di ako magdadalawang-isip na bangasan sya. Di nya alam kung gaano ka importante ang bagay na tinapon nya!





"Ah!" Nakagat ko ang labi ko kaya napaigik ako. I touch my lips, and I saw blood. Masyado ata akong nanggigil kay Kevin.





Tumayo ako mula sa pagkakaupo at binuksan ang ref para kumuha ng tubig. Kinuha ko ang lalagyan ko ng tubig at ininom ito. Unti-unti kong sinara ang ref, at nanlaki na lang ang mata ko sa mukhang bumungad saakin.




"What the hell V!" Binaba ko ang hawak kong lalagyan ng tubig at binatukan sya dahil sa kaabnormalan nya.





He almost scared the shit out of me! Sino ba namang di magugulat kung bubungad sayo ang mukha ng taong nakatirik ang mata, at may hawak pang flashlight na nakatutok sa mukha! What the hell!





"Haha! Natakot ba kita?" Inirapan ko na lang sya. Siraulo to! Bumalik ako sa pagkakaupo at nagpatuloy kumain. Narinig ko namang nagbukas sya ng ref at parang may kinuha sa freezer.




Napatigil ako sa pagkain nang umupo sya sa harap ko, may kinakain syang Magnum Ice cream. Nangunot ang noo ko, is he serious? Eating ice cream in a middle of the night? Napailing na lang ako at hinayaan sya.





Napaingos ako dahil humahapdi ang labi ko. Tuwing sumasagi kasi ito sa mainit ay humahapdi kaya maingat kong kinakain ang noodles. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni V kaya napatingin ako sa kanya.





"You're cute" he said smiling widely, I can almost see all his teeth. Cute? Nah, I'm no cutie. Baka ipakita ko pa sa kanya ang tinutukoy nya'ng cute.





"But fierce" napangisi ako. He's right about that.





"Pero bakit ang lungkot ng mata mo?" Inangat ko ang tingin ko sa kanya na parang batang kumakain ng ice cream. Tch




"None of your Business V" hinigop ko ang sabaw ng noodles na kinakain ko.





"May problema ka ba?" Nangunot ang noo ko. Binaba ko ang cup at tiningnan sya ng seryoso. Anong meron at medyo matino ata si V ngayon? Nakahithit ba to ng katol?




"Kung may problema ka sabihin mo lang, bago ka pa pumutok. Ilabas mo lahat, iputok mo lahat saakin. Ay teka---bat parang bastos yun?" Napakamot naman sya ng batok. Wala sa sarili akong napahalakhak sa kaabnormalan nya. Okay na sana e, mungago lang.




"Shut up V, go to sleep" dinampot ko ang Cup at tinapon ito sa trash bin. Why do I keep on meeting him this day? Tch.




Which reminds me, can he still talk to me like that if he discovered I'm the one who messed up with their cars?  I shook my head, I don't think so.




Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon