Special Chapter 3

61.1K 1.6K 1.2K
                                    


Name: Lara Quinn Corrigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Name: Lara Quinn Corrigan

Age: 27 years old

Profession: Licensed Surgical Doctor

"Doc, mamamatay na po ba ako?" Tiningnan ko muna ang resulta ng mga tests na kinuha kanina. Nilapag ko ang mga ito't seryoso siyang tiningnan sa mata.

"Oo, mamamatay ka na." Matapos ko itong sabihin ay kaagad umiyak ang anak niyang babae. Pati ang asawa niya'y humagulgol naman kakaiyak, at siya nama'y nakatulala lang na para ba'ng hindi makapaniwala sa narinig niya.

"M-mahal na mahal kita Tony!"

"P-papa! 'Wag niyo po k-kami iwan!" Lumapit ang batang babae sabay yakap sa papa niya. Napabuga ako ng hangin. Tinapik ko ang hawak kong ballpen sa mesa kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Mamamatay ka, kung hindi mo iinumin ang maintenance ng gamot na irereseta ko sa'yo." Natigilan silang tatlo't kaagad napaayos ng upo. Naigulong ko naman ang mata ko, hindi pa kasi ako tapos magsalita nagda-drama na sila.

"A-akala ko m-mamatay na ako." Tumigil ako sa pagsusulat ng reseta't inangat ang tingin ko sa kanila.

"Well, marami rin ang namamatay sa maling akala." Nginitian ko naman siya. Nakita ko ang pagtataka sa mukha nilang tatlo. Siguro'y iniisip nilang napakadali sa aking sabihin ang salitang 'mamamatay' kahit pa isa akong doctor, na nararapat pinapahalagahan ang bawat buhay ng pasyente niya.

"Kung ayaw mo mamatay, kailangan mo bilihin lahat ng gamot na 'yan. Inumin mo tatlong beses sa isang araw every 6 hours. You may go now Mr. Tony Bakol." Tumango naman siya't lumabas na.

"Doctor ba talaga 'yon? Bakit parang mas gusto niya ata'ng mamatay ka?"

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa upuan, sabay pikit ng mata ko. Give me an hour of sleep please. Ilang gabi na akong puyat dahil sa kahayokan ni Jehan. Ayaw magpaawat, akala mo naman walang trabaho kinabukasan.

"Mom..."

"What?" Sagot ko nang hindi iminumulat ang mga mata ko.

"Where is dad? I want to see him." Hinilot ko ang sentido ko. Ayaw kasi magpa-iwan sa bahay ang bubwit na 'to kaya palagi namin siyang kasama rito sa hospital kung wala siyang pasok sa school.

"Nasa kabilang ward ang dad mo. He's busy, talk to him later." Tumahimik naman siya.

"Mom, may tatanong ako." Napabuga ako ng hangin. I'm trying to sleep, pero dahil tanong siya ng tanong mapipilitan akong sagutin siya—dahil hindi niya naman ako titigilan kung hindi ko masasagot ang tanong niya.

"What?"

"I saw you with dad last night." Napakunot ang noo ko. Minulat ko ang mata ko't umayos ng upo.

"And?"

"Why are you breastfeeding him? He's not a baby!" Nanlaki ang mata ko. Akmang sasagutin ko na siya nang biglang bumukas ang pinto't iniluwa rito ang isang nurse.

Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon