Chapter 43

58.2K 1.9K 453
                                    

Chapter 43. Real thing

___________

I tap my foot on the ground as I listened to our lesson. Is there anything as boring as this?







"Kung sino ang makakasagot sa tanong ko ay maaaring makalabas ng una kesa iba" napaayos ako ng upo. Tiningnan ko muna kung seryoso ba tong teacher namin sa Philosophy. Mukhang seryoso naman s'ya.








Nagsimula na s'yang magsulat ng kung ano-ano sa white board. Kinuha ko ang ballpen na nakasabit sa damit ko, inamba ko ito malapit sa ulo n'ya.







"Oy! Anong binabalak mo?" Di ko pinansin si V. Hinagis ko kaagad ang ballpen kaya tumama ito malapit sa batok ng teacher.








Napatigil kaagad ito sa pagsusulat. Dahan-dahan itong lumingon saamin. Nanlilisik ang mga mata nito at parang ano mang oras ay mangangain na s'ya ng tao.







"SINO ANG NAGHAGIS NUN HA!?" sigaw n'ya. Napangisi ako. Tinaas ko ang kamay ko kaya napatingin silang lahat saakin.






"Ako" nangunot ang noo n'ya. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinukbit ang bag ko para lumabas na ng room.






"AT SAAN KA PUPUNTA?" napangisi ako. Huminto ako sa paglalakad, at nilingon s'ya na may hawak pang stick sa kamay.






"Lalabas na ako" sagot ko.






"SINONG NAGSABING PWEDE KANG LUMABAS?"






"Ikaw" nagtaka naman ang mukha n'ya. Gago.





"Sinabi mo, Ang sino mang makakasagot ng tanong mo ay maaari nang lumabas. Sa pagkakatanda ko,tatlong beses mo na akong tinanong, at sinagot naman kita ng maayos. Kaya may karapatan akong lumabas dito. " nakita ko ang panlalaki ng mga mata n'ya. Nagsitawanan naman ang mga Emperors sa isang tabi.






Bago pa s'ya makapagsalita ay lumabas na ako ng room. Napatingin ako sa digital clock na nakadikit sa pader. Simula kanina, di pa nagpapakita si Jehan. I guess now is the right time to talk to him. Since bored din naman ako at kailangan ko ng kausap. Wala ng iba pang rason bukod duon.





May pasok pa kaya naman walang kahit sinong estudyante ang pakalat-kalat sa corridor. Malaya akong nakalabas ng building na walang nakakaaway o nakakabangga. Mabuti naman, ayaw kong may mabangasan ako ngayong araw.






Can somebody please give me a break? Halos araw-araw ata akong napapasok sa isang away. Kung di naman away, gulo. Seriously? Kelan ba magiging normal ang buhay ko? Argh.






I comb my hair using my fingers. I'm on my way to the gym. Duon ko huling nakitang pumasok si Jehan, kaya malaki ang posibilidad na nanduon pa rin s'ya. Pagpasok ko sa gym, walang tao sa loob. Napakunot kaagad ang noo ko. Kung wala s'ya dito, nasaan s'ya?







May nakita akong mga bottle ng tubig na naglilinyahan sa bench kaya kumuha ako ng isa. Binuksan ko ito at uminom ng konti habang naglalakad ako.







I cross my arms. Where is he? Dahil nagbabakasakali pa rin akong nandito s'ya, napagpasyahan kong ikutin muna ang buong gym. Wala naman kasing katao-tao ngayon dito. Pagtungtong ko sa  stage, nakarinig ako ng tunog ng musika na parang kinukulong ito sa isang room.









Napangisi ako, how can I possibly forget that? May mirrored dancing room pala sa likod ng gym. Bumaba ako ng stage at tinunton kung saan galing ang tunog na iyon. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto nang makita ko s'ya sa loob. He's standing still, waiting for the music's cue.







Unpredictable Me: The EmpressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon