Meet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...
"Golden Steel Tatoo Parlor?" I whispered. What are we doing here? Akala ko ba pupunta kami ng Underground Bar?
"Woah! Magpapatattoo ba muna tayo before makipagbakbakan? That sounds so cool! I'm gonna-" naputol ang pagsasalita ni Jessi nang batukan ito ni Jen. Pfft.
"Don't let your imaginations run wild again Jessi. Think like a normal human being,okay? "Pambabara ni Jen. Natawa na lang ako.
"What a meannie~" nakangusong sabi nito.
"Watch it!" Agad kaming napalingon nang sumigaw si Lara. Nanlaki kaagad ang mga mata namin nang sumalubong saamin ang nagtutulisang mga shuriken.
Agad akong yumuko para iwasan ito. Jennie split, and Jessi bend her body to dodged it. Nang mawala na ito, agad kaming umayos ng tayo. Napakurap ako nang makita ko ang pwesto ni Lara. She's leaning her back on the concrete wall, two shurikens are in the middle of her fingers. She caught it? That quick?
"I see, they really tighten the security." She whispered. Pinasok n'ya ang dalawang shuriken sa maliit na pouch na nasa belt n'ya.
"Let's get inside before somebody else sees us." Pumasok s'ya sa loob. Nagkatinginan muna kaming tatlo. Napabuga ako ng hangin, that was close. Kung di ako naka-iwas, natamaan na sana ako sa balikat.
"That's a very wonderful welcoming for us!" Jen retorted.
"Akala ko deretso na ako libing! Gosh!" Jessi gawked.
Nang makamove-on na kami sa nangyari, pumasok na kami sa loob. Ako ang pinakahuling pumasok kaya ako ang nagsara ng pinto. Nang humarap ako, bumungad kaagad saakin ang nagtataasang shelf ng libro. Mga pader na puno ng mga vandals at mga gamit sa pagta-tattoo. The lights are dim, kaya medyo madilim sa loob.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Walang ano-ano'y may hinilang libro si Lara sa gitna ng shelf. Nakarinig kaagad kami ng tunog ng isang bakal. Nahati sa gitna ang shelf, at bumukas ang panibagong puwerta na gawa sa metal na bagay. It looks like a metal tunnel! Nang pumasok na s'ya sa loob ay kaagad kaming sumunod sa kan'ya.
Inayos ko ang pagkakatali ng maskara ko habang tinatahak namin ang daan. Habang papalapit kami ng papalapit, naririnig ko na ang malakas na indak ng musika. Nakikita na rin mula rito ang mga makukulay na ilaw na bumubulag sa buong lugar. Nagsimula ng bumaba sa hagdan si Lara upang makababa na ng tuluyan sa bar. We followed her.
"This place rocks!" Jen whispered. It sure is. This looks like a very luxurious bar in Australia, classy and elegent. Pero parang mga animal naman ang mga dito.