Chapter 35. Gangster Clash
____________
"Dito tayo daliiii!" Napapoker face ako. Kanina pa kami magkasama ni V at naaasar lang ako dahil kanina pa kami paikot-ikot ng buong campus.Naghahanap kasi sya ng magandang lugar para makapag friendly date daw.
Eh halos 30 minutes na kaming paikot-ikot dito at tagaktak na ang pawis ko dahil sa init.
"Nakikita mo ba yan?" Bored ako'ng napatingin sa tinuturo nya'ng puno sa mini forest ng school.
"Ano'ng meron jan?" Ngumiti naman sya ng pagkalawaklawak kaya halos kita ko lahat ng mapuputing ngipin nya.
"Puno yan" napapoker-face ako. Eh kung sampalin ko kaya sya kaliwa-kanan? Sinong nasa matinong pag-iisip ang di alam na puno yang tinuturo nya? Tao ba talaga ang isang to?
"Nakikita mo ba yung mga taong yan?" Turo nya sa mga babae at lalaking naglalaro sa field. Oh, ano naman?
"Sila ay mga babae at lalaki! May babaeng tomboy at may lalaking bakla! Hehe!" Mariin ko'ng pinikit ang mata ko. Seriously? Hindi ko talaga alam kung anong klaseng kaabnormalan ang meron sa isang to. Konti na lang talaga ay sasakalin ko na sya.
Ni hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit pumayag ako'ng makipagfriendly date sa isang to. Puro lang naman kaabnormalan ang alam nya. Sa bagay, kelan pa ba naging normal to? Tss
"Hala! Nakikita mo ba yan?" Napatingala ako nang ituro nya ang bolang papalapit sa gawi namin.
"Sasabihin mo din ba'ng bola yan?" Umiling naman sya kaya nangunot ang noo ko.
"Kung di natin iwasan yan, parehas tayong magkakabukol sa ulo" hinila nya ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dib-dib nya. Nanlaki ang mata ko, tangina para-paraan ang isang to! Bahagya ko sya'ng tinulak kaya agad sya'ng napaatras.
He pout his lips and lowered down his head. He look dissapointed or what.
"You're really mean. I just wanted to be with you, but you keep on pushing me away" nanlaki ang mata ko dahil parang iiyak na sya sa tono ng pananalita nya. Oh my God!
Nakayuko nya ako'ng tinalikuran kaya nakagat ko ang labi ko ng wala sa oras. Napakasensitive pala nya. Geeze!
"Hey!" Di nya ako pinansin kaya pinulot ko ang tennis ball sa lapag at hinagis ito papunta sa ulo nya. Tumama ito sa parte ng ulo na pinuntirya ko kaya napatigil sya sa paglalakad.
I chuckled, I remember how I first met him. Tinamaan nya din ako ng tennis ball sa ulo. He looks like a complete idiot that time. I rolled my eyes and went after him, para talaga sya'ng bata na pinagalitan ng mama nya. Tss
Hinawakan ko ang kamay nya kaya nanlalaki ang mata nya habang nakatingin saakin. Hinila ko sya para maglakad pero para sya'ng natuod sa kinatatayuan nya. Nagtaka naman ako dahil nanlalaki pa din ang mata nya at parang gulat na gulat talaga sya.
"Ano ba? Magiging tuod ka lang ba dyan?" Parang bumalik naman sya sa realidad. He look at me as he smiled widely like a lunatic. Shit, ngayon ko lang napansin na gwapo pala ang isip-batang to.
"Baka patayin ako ni Jehan dito. Boyfriend mo yun diba? Whaaaa!" I rolled my eyes. Hinila ko ang kamay nya kaya kamuntikan na sya masubsob dahil pinipigilan nya'ng sumunod saakin ng magkahawak kamay.
BINABASA MO ANG
Unpredictable Me: The Empress
AksiMeet Fire with her words, meet Hell with her stares, meet Satan with her touch, meet Lara Quinn Miranda. An 18 year old Grade-12 Kick out. An Angel living in a garden of Evil. Brute, Unpredictable and impatient. And if there is one thing she can't...
