BEGINNING- THE DAY WE MET, THEN SUDDENLY LEAVE

1K 29 2
                                    

BEGINNING

Bakit siya? Ano ba'ng meron sa kaniya?

Gwapo. Mayaman. Matalino. Perfect Package, kaso BABAERO!

Pero, bakit sa kaniya ko pa 'to naramdaman? Eh, kaibigan lang ang aming turingan.

Hahayaan mo nalang ba ang sarili mong masaktan? Pa'no kung isang araw, malalaman mong may nasasaktan rin pala kasi may mahal kang iba?

Yun ay, alam mo ba kung sino siya?

Siya na mas nahihirapan 'pag nahihirapan ka,

Siya na mas nasasaktan 'pag nasasaktan ka,

Pero siya na mas masaya 'pag masaya ka, kahit na may kapiling kang iba.

Kung papipiliin ka? Sa mahal mo na palagi ka nalang umaasa, o sa minahal ka na hanggang ngayon naghahangad ng pag-asa?

'San ba ako sasaya?

***

"Good morning class." Sabi ni teacher.. Yey! Grade 1 na talaga akooo!

"Good morning Teacher!" Excited naming sabi! Hihihi I'm so excited talaga! Saan kaya yung classroom ni Xander? Hmp! Di niya ko hintay.

"Class, are you excited?" Tanong ni Maam at lahat naman sumigaw ng YES! Malakas na YES NA YES NA YES TALAGANG YES! Yes, new classmates... Di kasi kami dito nag Pre-school. Kaya kami lang ni Xander yung magkakilala.

Lumingon ako sa katabi ko at may binulong. "Hello classmate... Shh ka lang ha? Baka marinig tayo ni teacher... Ako pala si Kimi, what's your name?" Tanong ko... Hmm, he's a boy.

"Uhm, eh h-hello Kimi. I'm Jayrofer, you can call me Jay. Nice to meet you...." Bulong niya rin at napabungisngis naman ako sa ginagawa namin.. Hihihi, gusto ko siya maging friend! Ang cute cute niya.

"Jay, pwede friend tayo? Wala ako kilala dito sa room natin eh. Pwede ikaw nalang po?" Tanong ko sakanya. With matching puppy eyes!

"A-ah eh, oo naman... Hehe" nahihiyang sabi niya.

"Nahihiya ka ba? 'Wag ka mahiya dahil simula ngayon, we're friends na ha? Kaya wag ka mahiya." Sabi ko na may napakalaking ngiti sa aking labi at nagsimula nang makinig. Introduce yourself hihihi.. Matagal pa akooo, P kasi yung first letter ng last name ko... Parker, hihihi! Magandang Parker..

"Who's next?" Tanong ni teacher, ay ako na pala... At tumayo na ako at humarap kay classmates with wide smile on my lips!

"Good Morning Classmates! I'm Kimi Anne Parker, Nice to meet you all!" Sabi ko at umupo... At si Jayrofer na yung sunod.

"Good Morning Classmates... I'm Jayrofer Santiago, nice to meet you." sabi niya. Hala, mahiyain pala talaga si Jay. At hanggang sa matapos ang class at recess na namin.. Canteeeen! Here we come! We? Kasi aayain ko si Jay.

"Psssst! Jay!" Sabi ko at agad naman siyang lumingon. "Tara Canteen tayo!" At tumango naman siya.

"Wala ka bang friends dito except sakin?" Tanong ko at umiling naman siya. Hayy *pout* di talaga siya palasalita. Kaya nag shut up nalang ako.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now