CHAPTER 2- REMINISCING THE PAST

312 19 0
                                    

Chapter 2

-KIMI-

Whooo. Ano nga bang pag-uusapan namin? Ay oo nga pala, teka, paano ako makakalusot?! Tanga mo talaga Kimi eh! Oras na ba para sabihin ang totoo? Pero hindi pwede kasi may Girlfriend siya, at kung sabihin ko man ang totoo wala parin namang magbabago, baka nga iiwasan niya pa ako.

Tama!

Iiwasan, di ko yun kaya. Nababaliw nako. May naisip na ko.

"Ano bang problema mo at bigla ka nalang nag walk-out sa harap ko?" Tanong nito at sumagot naman ako. Aba! Di ako papayag na malaman niya.

"Eh pake mo? Ba't ka apektado sa pag wawalk-out ko? Ha?" Sabay ngisi. Hala! Namumula! Kahinaan ko pa naman siya.

"U-uhm, eh a-ano naman? Tsk! Diyan ka na nga lang! Ang gulo mong kausap!" Sabay walk-out. Eh? Siya nga itong nakipag usap eh ako pa magulo. Baliw talaga. At aba bumalik ng may dalang juice at biscuit! Abay nagugutom din ako eh no! Hinablot ko kaagad ang pagkain at nagsimula nang lumamon. "Grabe! Kailan ka huling kumain?" Tanong niya.

"Kagabi." Sagot ko, ba't ba nangingelam siya!

"Ha?" Tanong ulit.

"Kagabi." Sagot ko ULIT.

"Ano?!" Tanong ULIT! Aba'y nakakailan na 'to ah!

"Kagabi!" Magtatanong pa sana siya ulit pero inunahan ko na. "Isang 'Ano' mo pa, bubugbugin na talaga kita! Paulit ulit ka eh nakakarindi!" Sigaw ko at natahimik naman siya, kaya pinagpatuloy ko nalang rin ang paglamon.

Takot niya lang mabugbog, sumasali kasi ako sa mga gang kaya palagi akong grounded at walang pera. Nakikipagbugbugan, konti nalang magpatayan na. Kaya sa mga nambubully sakin sa school, sumusubra na sila pero di ko nalang pinapatulan kasi nga, baka 'di ko macontrol yung galit ko, kagaya nalang ng feelings 'di macocontrol pag sumusobra na. Hugot lang.

"Dito ka nalang matulog." Sabi niya at agad naman akong nabilaukan. At ayun, dalidaling pinainom sakin yung juice, kulang nalang ibuhos niya sa mukha ko! Nakakairita! "Okay kana?! Ano?!" Sigaw niya na parang bingi yung kausap.

"Eh kung ibuhos mo nalang kaya sa mukha ko yung juice?! Grabe ka! Okay na ako! Okay na okay! Kung makasigaw parang bingi yung kausap." Sigaw ko naman ulit sa kanya.

"Sorry naman" bulong niya at kaagad akong niyakap at naglalambing lambing. "Oh, dito ka nalang matulog ah? Para di ka mag-isa dun, di rin ako mag-isa dito. Please?" sabi niya.

"May magagawa pa ba ako ha? Ha? Diba wala naman di--" agad niya naman akong niyakap. Sus! Normal na sakanya yung yakap yakap.

"Thank you." Napakalambing na boses na tugon niya. At agad namang sumikdo ang puso kong adik sa kanya. Hoy puso kong tanga! Tama na, may girlfriend na siya!

"Pa'no ba yan? Amoy alak ako? Wala akong dalang damit." Sabi ko sa kanya at agad naman siyang tumayo.

"Maligo ka nalang sa kwarto ko, maghanap ka nang pwede mong isuot kahit ano. Kukuhaan kita ng damit sa bahay niyo at tatawagan ko nalang yung kuya mo na dito ka matulog. Okay?" Sabi ni Xander at tumango naman ako.

At nang makalabas na si Xander, agad akong nagtungo sa banyo at hinubad lahat ng damit at nilubog ang katawan sa maligamgam na tubig na nasa bath tub. Ipinalibot ko ang paningin sa kabuuan ng banyo at namangha ako nang walang makitang kalat o ano."Ang linis linis talaga." Namamanghang sabi ko.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now