Chapter 26- PRIVATE PROPERTY

83 9 0
                                    

MERRY CHRISTMAS. THANKS FOR READING! DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE. ENJOY READING MUAH! KONTING PUSH NALANG, 3K READS NA!

Chapter 26

-KIMI-

Dalawang Linggo bago namin nabawi ang lakas namin. Okay na rin ang mga pasa namin. At ngayon, babalik na ako ng bahay dahil wala akong uniporme dito at papasok na ako ngayon. Ang ikinatatakot ko lang ay kung ano ang idadahilan ko kung bakit hindi ako nakapasok ng dalawang linggo.

Pinarada ko na ang kotse ko sa tapat ng bahay namin at pumasok. Nadatnan ko si Kuya manong na nagte-trim sa tanim at pagpasok ko ay si Yaya na nagluluto sa kusina. Binati ko sila at pumasok na sa kwarto ko sa itaas.

Agad akong naligo at nagbihis. Kumain at lumabas na. Pero ang bumungad sa akin ay si Xander na nakasandal sa sasakyan niya sa labas. Teka, paano niya nalaman na nandito ako ngayon?

"Araw-araw yan pumupunta dito baka sakaling umuwi ka daw at makita ka niya." Sabi ni yaya. Namula ang pisngi ko. Hindi ko akalaing seryoso siyang manligaw sa akin. Akala ko pinagti-tripan niya lang ako.

Lumabas na ako at nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makita ako. Ilang beses pa siyang napakurap, bago ako nilapitan at niyakap.

"I miss you, Kimi!" Sabi niya habang yakap parin ako nang napakahigpit.

"Teka, teka. H-hindi ako makahinga." Sabi ko sakanya kaya dali-dali naman siyang kumawala sa yakap.

"Saan ka ba galing? Bakit bigla ka nalang nawala?" Tanong niya kaya agad akong napahawak ng mahigpit sa bag ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Papasok na ako sa school. Baka malate ako, dalawang linggo pa naman akong hindi pumasok hehe." Sabi ko at akmang papasok na sa sasakyan ko nang bigla niya akong hinila.

"Sa akin ka na sumabay." Sabi niya. Naku baka tanungin ako neto.

"Ah hindi, may dadaanan pa kasi ako. May bibilhin ako." Palusot ko.

"Edi daanan natin." Sabi niya at napadugtong ang kilay.

"Ano kasi, ahm. Kailangan ko pa kasing, ah oo! Naiwan yung phone ko sa loob tapos paplantsahin ko pa ang PE ko kasi gagamitin daw mamaya. Matagal pa ako, mauna kana. Hehe." Sabi ko at mas lalong dumugtong ang kilay niya.

"Friday lang naman yung PE, tsaka hindi mo naman kailangan yung phone mo sa school. Pwede ka namang makitext sa akin. Sakay na." Tumango nalang ako at pumasok sa sasakyan niya dahil wala na akong palusot na natitira. Pumasok na rin siya.

"Oh, kamusta?" Tanong niya.

"Okay lang naman. Hehe." Patay ako neto kapag nalaman niya yung tungkol sa clan.

"Saan ka ba galing?" Tanong niya. Ugh, eto na nga ba ang sinasabi koooooo.

"Ah eh. Palagi ka palang pumupunta sa bahay?" Tanong ko. Gusto ko alisin sa isipan niya ang mga tanong kung saan ako nanggaling.

"Oo, palagi, saan ka ba kasi galing?" Tanong niya ulit.

"Ah. Ang effort mo naman pala. Hehe." Sabi ko at tinuon ang paningin sa daan.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now