Chapter 12
-FRANCIS JAYROFER-
Nagising nalang ako ng may narinig akong nag-uusap. Nagmulat ako ng mata ko at ang nakikita ko ay puti, at dahil sa takot napabangon ako--tumingin ako sa taas, huh? Atip lang pala, Haha. Napakamot nalang ako sa batok ko at humiga ulit.
"Oh, gising na pala si Mr. Santiago." Napalingon ako sa dalawang taong nag-uusap. Nakunot bigla ang noo ko, sino sila?
"Mr. Santiago, papunta na raw dito ang pinsan mo. Tinawagan namin siya kanina, galit yun sige ka." Pagbabanta pa nung naka eyeglass, "oh, di pa pala kami nakapagpakilala. I'm the facilitator of the Earthquake drill." Pagkasabi niya non ay biglang nanlaki ang mata ko, EARTHQUAKE DRILL?! Bakit di ako nakapunta? Tsaka bakit andito ako?
Inalala ko kung ano ang huling nangyari, isip Jay, isip. Ugh! Ano ba kasing nangyari kanina?
"Ano? Kamusta na daw siya? Okay lang naman siya diba? Hindi naman malala ang kalagayan niya diba?" Sunod-sunod na tanong niya. Sumagot naman ako.
"Okay na siya, kasi andun si Xander inaalagaan siya." Pagkasabi ko nun ay parang may nabasag sa loob ko. Ang sakit pucha, bakit pa kasi ako Xander ng Xander kung masasaktan lang pala ako, bobo ka rin Jay no? "Binisita ko siya kahapon kaya absent ako." Pagsisinungaling ko, ilang minuto nga lang ako dun tapos yun yung dahilan ng absent ko? Tsk.
"Saan ba siya ngayon?" Tanong niya,
"Nasa hospital malamang." Sarcastic kong sagot. Tumaas ang kilay niya at akmang magsasalita ng tumunog ang bell ng buong campus. Dali dali naman kaming nag conduct ng duck, cover and hold, at tsaka pumunta sa open field. Parang yung field yung nagsilbing Evacuation Area namin. At unti-unting dumadami ang tao, at unti-unti din akong nahihilo hanggang sa bumagsak ang katawan ko. 'Di ko na talaga kaya.
Ha! Nahilo ako?! Pucha, para akong babae nun! Ay king ina, napatingin ako sa lalaki na katabi nung naka eyeglass ng bigla itong nagsalita. "At ako rin yung nag-orient dun sa Earthquake drill." Oh? Nagtatanong ba ako? Tss.
Nag-iwas ako ng tingin, tapos maya-maya may kumatok sa clinic ng sunod-sunod. "Kuya! Kuya! Asan yung kuya ko?!" Sigaw niya at napatulala nalang ako ng makilala ko kung kaninong boses yun. Di ko masyadong napansin yung sinabi ng facilitator kanina kasi nakafocus ako sa pag-iisip kung ano ang huling nangyari. At bigla nalang pumasok si Pherench at nanlaki ang mata ko sa suot niya. Nakalagay na nga dun sa bulletin board sa labas bago pumasok ng gate na bawal yung gaganyang suot tapos siya! Nakapasok?! Hah! Napatingin naman agad ako dun sa Facilitator at nag Orient at halata sa kanilang mukha ang gulat.
"Kuya! Ikaw! Anong pinanggagawa mo?! Gusto mo isumbong kita kay tita?! Ang pasaway mo!" Sigaw niya at kinurot at pinaghahampas niya ako.
"Ano ba! Mas lalong sasakit yung ulo ko sayo!" Sabi ko habang nakapatong yung kamay ko sa ulo ko dahil sa panghahampas niya. Agad naman siyang nahinto at tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ano ba yang outfit niya!
NAPAKALASWA!
"What?! What's your problem with my outfit?!" Sigaw na naman niya at nameywang sabay taas ng isang kilay. Eh kasi naman! Yung suot niya nakashort na maong, tapos naka sando lang tapos nakaheels?! Ano bang nakain niya?!
"Yung suot mo? Para kang pulubi na nakakita ng damit sa daan, halo halo! Di naman bagay! Napakalaswang tingnan!" Sigaw ko sa kanya, wala na akong pake kung nakatingin sa amin yung facilitator, eh sa hindi niya sinunod yung rules eh!

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...