CHAPTER 30
-FRANCIS JAYROFER'S POV-
Nandito ang lahat ngayon sa field dahil bigla nalang tumunog yung fire alarm sa bawat building. Nakita ko si Kimi na nagpaiwan sa loob ng classroom kaya nagpaiwan din ako, inabangan ko siya sa labas. Sinundan ko siya hanggang sa makita niya ako. Sabi niya umalis na daw ako gusto ko siyang pigilan kaso baka masuntok ako ng wala sa oras.
Alam kong kaya niya yun pero ayaw ko lang siyang mapahamak. Nag-aalala ako sa kanya kasi baka kung ano ang masamang mangyari. Bulong-bulungan dito sa field na bomba daw ang dahilan kaya tumunog yung fire alarm. Kahit alam nilang may bomba hala chismis padin ang nalalaman.
May nagsasalita sa stage ng field kaya yung iba nakikinig at yung iba naman ay nag-uusap. Yung iba ay tinawagan na ang mga magulang nila.
Pagkatapos ang halos isang oras. Nakita ko si Kimi, at ang mga kasama niya hindi ko sila kilala pero biglang may nahagip ng mata ko. TEKA, SI--SI PHERENCH BA YUN?! Oo nga! PATAY KA SAKING BATA KA, BULONG KO.
Lumapit ako sa kanila at nang makita kong nakatingin si Kimi sa akin ay bigla akong napaiwas ng tingin. Dumiritso ako kay Pherench at binatukan siya. Halata ang gulat sa mukha niya ng makita niya ako.
"Teka, teka lang kuya. Magpapaliwanag--." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"Anong ginagawa mo dito?! Kasama ka ba nila?! Kaya pala wala ka sa bahay! Sumali ka din ba sa pinanggagawa nila kanina?! Eh pano kung pumutok yung bomba?!" Dugtong ang kilay na tanong ko. Malilintikan talaga ako kay tita neto eh!
"Eh kuya naman kasi, paexplainin mo muna--"
"EDI PATAY KA KUNG PUMUTOK NGA! EH KUNG MADAMAY KA SA PAGSABOG?! ANONG GAGAWIN KO? SASABIHIN KO KELA TITA NA AKSIDENTE LANG LAHAT NG NANGYARI?"
"Paexplainin mo nga sabi ako--"
"SABI MO NASA BAKASYON KA?! AT IKAW MICNIELLE? DIBA NASA BAKASYON KAYONG DALAWA NG DALAWANG LINGGO? EH BAKIT NANDITO KAYO?! KAYONG MGA BATA KAYO ANG TITIGAS TALAGA NG ULO NIYO EH! KUNG NANATILI KAYO DITO, SAN KAYO NAMALAGI?! SA KALSADA, ANO?! SAGOT!"
Bigla akong napatahimik ng bigla akong sinapak ni Kimi. WHAT THE FUDGE?! "BA'T KA NANANAPAK? IKAW BA YUNG KAUSAP KO?!" Tanong ko at umirap siya.
"PWEDE BA?! ANG IINGAY NIYO OH, PAEXPLAININ MO KASI SIYA, DI YUNG NAGTATANONG KA AYAW MO NAMAN PAEXPLAININ!" Sigaw niya sakin.
"AKO YUNG KUYA KAYA SESERMONAN KO MUNA SIYA BAGO MAG-EXPLAIN! TSAKA BAKIT BA NANGINGIELAM KA?! EH WALA KA NAMANG PAKIELAM DIBA?!" Sigaw ko kaya agad kong natutop ang bibig ko. Napatahimik si Kimi at maya-maya ay aktong aalis siya pero hinawakan ko siya sa braso niya. Wala akong pakielam kung ang drama namin dito sa public place.
"ANO BANG PROBLEMA MO?! AALIS NA NGA OH, PARA HINDI NA KITA MAPAKIELAMAN, IKAW NA NAMAN ITONG NANGINGIELAM EH! ANO BA TALAGANG GUSTO MO?!" Sigaw niya sakin.
"IKAW!" Sigaw ko kaya agad akong nagulat sa sinabi ko. Napatingin ako sa paligid ko pero ang nakatingin lamang sa amin ay yung mga kasama niya. Umirap siya at akmang aalis na naman at hinawakan ko siya sa braso.
"ANO NA NAMAN BANG PROBLEMA MO?! SABING WAG NANG MAKIELAM EH! SASAPAKIN KITA NGAYON. NAG-IINIT NA ANG DUGO KO SAYO AH! KANINA PAKO NAGTITIMPI DITO!!!" Sigaw niya, buti nalang at malayo-layo kami sa mga estudyante at yung mga kasamahan niya lang ang nakakarinig.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Roman pour Adolescents1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...