CHAPTER 27- EXPLAINING THE TRUTH

70 9 2
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO MY LABIDABS SONSONING, AlysonKate3  AS THE NEW CHARACTER ALICE ZAMORA. ENJOY READING! MUAH. NAIIYAQ AQUOHH IN THIS CHAPTER. JAY-MI OR DER-MI? JUST COMMENT YOUR BET BELOW.

Chapter 27

-ROLLY-

"Rolly, please wake up." Pagsusumamo ni Alice, natagpuan niya ako sa ilog at doon ko napagtanto na pinatapon ako ni ama sa ilog. Si Alice ang kaibigan ko dito sa Pilipinas, siya ang karamay ko sa tuwing maiinis ako sa mga pinanggagawa ni ama, siya yung pinagsasabihan ko kasi siya lang rin yung mapagkakatiwalaan ko.

Napaubo ako at naramdaman kong may tubig na lumabas sa bunganga ko. Agad niya akong pinabangon at niyakap ng mahigpit.

"Thanks God. Don't you dare to die, bastard. Marami pa akong isesermon sayo!" Sabi niya at humagulgol sa iyak. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at pinangako sa kanya na sabay kaming lalaban.

Pinatayo niya ako at iginiya sa bahay nila. Isang simpleng bahay, hindi maliit at hindi rin malaki, tamang tama lang. Wala na siyang mga magulang at nagtatrabaho siya sa baryo para pang-kain niya sa araw-araw. Tinutulungan ko rin siya kapag may perang ibinigay si ama sa akin. Pero ngayon, magtutulungan na kami dahil sa oras na ito wala kaming maasahan kundi ang sarili namin.

Pumasok kami at hiniga niya ako sa higaan na gawa lamang sa kawayan. Dalawa ang kwarto kaya isa-isa kami. Umalis siya at pumasok sa kabilang kwarto para kumuha ng damit. Ang babae kasing ito ay walang arte sa katawan, walang pakielam kung anong komento ang makuha niya sa ibang tao. Pati nga mga damit maluluwang, kaya kasya rin sa akin.

"Oh ayan! Suutin mo, labas lang ako." Sabi niya at lumabas na sa kwarto. Hinubad ko na ang basa kong damit at pinalitan ito ng bago pero ang shorts ko ay basa parin kaya lumabas ako at nakita ko siya na nakaupo sa upuan na nakalagay sa kanyang munting bakuran.

Kinalabit ko siya kaya gulat siyang napatayo. Paika-ika parin akong lumakad dahil binugbog ako ng mga tauhan ng Troopers Clan.

"Oy! Ba't ka tumayo?! Sumigaw ka nalang sana! Anong kailangan mo?!" Sigaw niyang tanong sa akin.

"Pwede ba? Wag kang sumigaw? Ang sakit sa ulo eh." Reklamo ko.

"Gusto mo bang palayasin kita sa bahay ko? Ikaw na nga tinutulungan eh! Tsaka ang hilig mo rin naman sumigaw diba? Teka nga, ano bang kailangan mo at ayaw mong magpahinga?" Tanong niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa shorts ko kaya napatingin rin siya doon. Nag-iwas siya ng tingin at nakita kong namumula siya.

"Anong problema?" Tanong ko sa kanya.

"A-ah, shorts gusto mo? T-teka lang ha. Punta ka na sa kwarto mo, huwag kang lalabas nang ganyan ang suot na ipapakita mo sa akin." Sabi niya kaya natahimik nalang ako. Ano bang problema sa suot ko? Napatingin ako sa suot ko. Fitted pantalon lang naman to eh hindi naman ako naka boxer shorts-- ah! Bumabakat pala yung ano ko kasi fitted pantalon yung suot ko.

Dali-dali akong pumasok sa kwarto habang paika-ika ang lakad. Kinuha ko ang kumot at itinakip yun sa ibabang parte ng katawan ko. Tamang-tama naman na pumasok siya kaya ngumiti lang ako. Inihagis niya sa akin ang shorts niya, pati nga ito maluwang.

"Oh ayan. Bibili lang ako ng pananghalian at wala kang gagawin ngayong araw kundi magpahinga. Maliwanag?" Sabi niya kaya tumango nalang ako. Ang sakit parin ng panga ko sa kakabugbog kaya hindi na ako nagtangka pang magsalita.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now