CHAPTER 37: REGRETS
Matapos ang insidente na yun, pinagalitan ako ni Jayrofer. Kasi daw hindi ko siya sinabihan na ganun na pala yung nangyari. Bwisit. May iniwan pang sulat ang mga ulol, uunahin daw nila ang mga malalapit sa akin. Subukan lang talaga nila.
"Ang hirap kasi sa'yo, hambog ka masyado tapos iniisip mo na kaya mo na sila nang wala kami. Pano ka kung hindi mo sila kaya? Pano nalang kami na nag-aalala sayo? Kimi naman, isipin mo naman kami, nandito kaming mga kaibigan mo sa tabi mo tapos wala lang pala kaming silbi--" Pinutol ko ang susunod na sasabihin ni Jayrofer.
"Kung wala kayong silbi, edi umalis kayo. Hindi ko naman kayo pipiliting manatili sa tabi ko kung nahihirapan rin naman kayo." Sabi ko.
"What the? KIMI! Umayos ka nga, hindi ka namin iiwan, at hindi kami aalis sa tabi mo. Kaya kung may problema ka, sabihin mo! Hindi yung sinasarili mo!" Sigaw niya sa akin na ikinagulat ko.
"What? Sige! Ako na ang makasarili! Ako na yung masama, happy? Sino ka ba para diktahan ako ng ganito?! Eh wala ka namang halaga sa buhay ko!" Sigaw ko dahilan para matigilan siya. "Wala kang karapatan na diktahan ako sa mga pagkakamali ko! Bakit?! Sa tingin mo, sino ka ba sa buhay ko? Ano ba kita?"
Pawang nadurog ang puso ko nang may nakita akong luhang dumausdos galing sa mata papunta sa pisngi niya.
Bakit ba ako nasasaktan? Ba't ako apektado?
"I'm sorry." Sabi niya at tumalikod na.
Napayuko nalang ako nang umalis siya at doon ko nilabas lahat ng luhang gusto nang kumawala kanina sa mata ko. Fuck fuck fuck. Ba't ko sinaktan ang nag-iisang taong walang ibang inintindi kundi ang kalagayan ko? Walang ginawa kundi ang intindihin ako?
I'm so stupid for hurting him like that. Stupid enough to describe me.
***
"Kimi, next week na yung bakasyon. May balak ka ba?" Tanong ni Jemarie.
Yeah, madami.
"Oo." Sagot ko.
"Ah."
Nahalata niya sigurong tahimik ako ngayon kaya hindi na siya muling nagtanong pa. Matapos ang klase ay agad akong lumabas, at iniwan si Jemarie sa loob ng classroom. Wala si Jayrofer.
Kimi, hindi ka dapat magpakita sa kanya. Let him be your first priority to save.
Yeah, as far as I know, nararamdaman kong madaming nagmamasid sa akin mula sa malayo dito sa loob ng paaralan. Mas mabuti siguro na wala akong kasama baka madamay pa pati si Jemarie dito sa bwisit na larong 'to.
Papunta na ako sa parking lot upang kunin ang sasakyan ko nang biglang may tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko si Jemarie na patakbong humahabol sa akin.
"Kimi," sabi niya habang hapo hapo parin.
"Oh? Ba't ka tumakbo? Anong kailangan mo?" Tanong ko. Siguraduhin niya lang na hindi Jayrofer ang lalabas sa bibig niya.
"Si Jayrofer—"
"Wala akong oras para diyan." Sabi ko at pumasok sa sasakyan. Dumungaw siya sa bintana para kausapin ako.
"Wala ka na ba talagang pakielam sa kanya kahit—"
"WALA! Kaya pwede ba? Lumayo ka na rin sa akin kung ayaw mong mamatay." Sabi ko at pinaharurot ang sasakyan. Umuwi na ako ng bahay at agad na pumasok sa kwarto ko at humiga pero bigla akong napabangon nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng uniporme ko. Kuinuha ko yun at sinagot nag tawag.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...