THANKS FOR READING. DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE! ENJOY READING MUAH!
Chapter 25
-ROLLY-
"Alam mo na pala kung nasaan ang kontrata hindi mo pa sinabi sa akin!" Sigaw sa akin ni ama.
"At bakit ko naman sasabihin sa inyo?!" Pasigaw na tanong ko. Nandito kami sa kwarto. Pagpasok namin kanina ay tumambad sa amin ang mga walang malay naming mga miyembro. Naiinis talaga ako kapag 'namin' yung ginagamit ko eh sila lang naman ang may gusto nito!
"Ama mo ako! Hindi ka ba nagagalit sa kanila?! Na dahil sa kanila ay namatay ang ina mo?! Wala kang puso!" Sigaw niya. Walang puso?!
"Oo ama kita! Pero wag mo akong masigaw-sigawan na walang puso. Dahil sa ating dalawa ikaw ang mas walang puso! Lahat ng mga utos mo sinusunod ko, lahat ng gusto mong ipagawa ay ginagawa ko. Pero, hindi mo parin ako tinatratong parang pamilya. Kaya ikaw ang mas walang puso! Sarili mong anak hindi mo kayang mahalin, ama ba talaga kita--" naputol ang pagsasalita ko nang sinuntok niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Natawa ako habang tumatayo, hindi ako makapaniwalang suntok lang ang kaya niyang gawin sa akin. May baril naman siya na pwede niyang bunutin ano mang oras. "Barilin mo nalang kaya ako?" Tanong ko sakanya.
"Uunahin ko muna ang mga kaibigan mo bago ikaw." Sabi niya kaya nag-init ang ulo ko. Ilang araw palang kaming magkasama ng Legionary Clan pero ramdam kong tanggap nila ako, na pwede ako sa kanila ano mang oras.
"Uunahin muna kita bago ang mga kaibigan ko!" Sigaw ko at binunot ang baril sa tagiliran niya at pinaputok ito sa kanya ngunit umilag siya. Ayokong may demonyo akong pamilya! Mabuti nang wala kesa meron pero masasama naman.
"Walang hiya ka!" Sigaw ni ama, sasagot na sana ako kaso nakarinig ako ng mga nagsitakbuhan papunta dito sa silid kung nasaan kaming dalawa. Nang makapasok na ang iba pang miyembro ay ang agad silang nagtanong.
"Boss! Ano pong nangyayari dito?"
"Tsaka nasaan ang bihag?"
"Bakit may putok ng baril?"
Itinaas ko ang baril ko, "Huwag niyong idadamay ang Legionary Clan sa mga masasamang balak niyo. Ayaw nila ng gulo kaya tumahimik na sila, wag niyo na silang guluhin pa!" Sigaw ko at pinaputok ito sa lalaking nagtanong.
"Damn, Rolly!" Sigaw ni ama.
"Teka! Kasapi ka na ba ng Legionary Clan at kung grabe ka maka-asta?!" Sigaw ng lalaki habang pilit na tumatayo.
"Tsaka, hindi namin hahayaang maging masaya sila habang hindi pa nila nababayaran ang kasalanang ginawa nila!" Sigaw naman ng isa.
"At sigurado akong maghihigante sila at aatakihin tayo ng wala tayong kaalam-alam."
"Mababait sila, hindi kagaya niyo. Mga demonyo." Sabi ko at tumalikod at akmang bubuksan na ang pinto nang makaramdam akong may likidong dumadaloy mula sa ulo ko pababa sa batok ko. At doon ako nakaramdam ng panghihilo.
"Wala kaming kasapi na pinupuri ang Legionary Clan. Ligpitin niyo yan! Wala akong pakielam kahit anak ko pa siya." Sabi ni ama at tuluyan nang umalis sa silid. Doon ko lang nalaman na pinalo niya pala ako ng baseball bat sa ulo. At unti unti nang bumigat ang talukap ng aking mga mata.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Novela Juvenil1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...