Chapter 11
-FRANCIS JAYROFER-
Napamaang ako ng bigla akong nilapitan ng mga classmates ko tapos puro tanong ng tanong. Paulit-ulit lang naman.
Saan mo nakuha yung mga yun?
Nagsearch ka ba sa google?
Ang galing mo sa History ah.
Pwede magpaturo?
Anong pwedeng gawin para gumaling sa History?
Bakit magaling ka sa History?
Bakit ang energetic mo pag History class?
Paboritong subject mo ba ang history?
Bakit mo paboritong subject ang history?
Diba ang boring ng history?
Paano mo nakayanang magbasa tungkol sa history?
Tumahimik at bumalik lang sila sa kanilang upuan ng dumating si Prof Laquimaete. Tumayo naman kami at nagbigay galang. "Good Morning Prof. Laquimaete." Sabay sabay naming sabi at sumenyas naman siya na umupo na kami kaya umupo na kami, alangan tumayo? Hehe. Natahimik ang lahat ng biglang magsalita si Prof. Laquimaete.
"Okay class, next week is your 1st monthly examination. Take note this." Sabi niya at nagsulat ng topic na lalabas sa exam. June 20, 2017 na kasi ngayon. Dali dali naman kaming kumuha ng papel at ballpen at nagsulat. Grabe talaga ang Science na 'to! Kaya hate na hate ko eh!
*Animal and Human Cloning
*Cloning Derived from Embryo.
*Cloning Derived from Cell
*Therapeutic Cloning
*Advantages and Disadvantages
of Cloning*Difference of Cloning derived
from cell and Cloning derived
from embryo*Give at least 5 cloned animals
*Give at least 5 endangered
animalsLord, bata pa po ako, sana po di ako tumanda sa stress. Tapos 'di pa naglelesson si Prof. Laquimaete. Pano nalang kami? Pano nalang ang studies namin? Pano nalang ang grades namin? Pano nalang ang pag eexcel namin? Pano nalang ang future namin? Paano bang magmahal? Hehe, sensya na.
"Okay, that's all for today. And study. And wait a minute, maya maya may Earthquake Drill, just wait for the bell to ring, conduct a 'duck, cover and hold', and proceed to the Open Field." Sabi niya at tumayo naman kami at nagpaalam. Ganun nalang ba yon?! Palagi nalang bang ganito ang sitwasyon namin? Ang relasyon namin? Hehe, sensya ulit.
Break time na, kinapa ko ang leeg ko at mainit parin ako. Kaya kinuha ko na ang bag ko at lumabas pero natigilan ako nang harangin na naman ako ng Jemarie na yun! Nubang problema nito? King ina. Gustom na ako ehh! Sinubukan kong tumabi pero hinarangan niya na naman ako. Nakatingin na samin lahat ng estudyante sa hallway. Pucha baka machismis kami neto eh.
"Ano bang problema mo?!" Sigaw ko at mas lalong napatingin sa amin yung mga tao sa hallwayy.. Oo nga mga tao. Ulit ulit ako eh. Kahapon pa to ah! Pagbibintangan na naman ba ako nito? Dahan dahan niyang ibinaba ang kamay at unti unting may namumuong pag aalala sa mata niya.
"Nasaan si Kimi? Nakita mo ba siya? Anong nangyari sa kanya kahapon? Bakit wala siya ngayon? Sumagot ka Francis!" Sabi niya at sumasakit lalo ang ulo ko sa babaeng 'to kaya hinila ko siya palabas. Di ako sure kung may nakakaalam na neto tungkol kay Kimi o wala, naninigurado lang ako. Umupo ako sa bench at sumunod naman siya. "Ano na? Asan si Kimi? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong niya.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...