2 years narin yung last update ko, sorry I stopped. Pero ngayon, ipagpapatuloy ko na ang pagsusulat. Salamat sa walang sawang pagsuporta at nakikita ko rin naman na may nagbabasa pa at inaantay ang update ko. Love you all.
FRANCIS JAYROFER'S POV
"Mom!", sigaw ko habang pinipilit si mommy na bisitahin ko ulit si Kimi ngayong araw. Eh sa gusto ko siyang makita eh. Gusto ko pag nagising siya ay nasa tabi niya ako. Gusto ko ako yung una niyang makita.
"Jayrofer naman. Dun kana nga natulog kagabi sa ospital, tapos pupunta ka na naman ngayon.", sabi niya habang tinaasan ako ng kilay.
"Kailangan ako ni Kimi, Mommy. Please, let me.", pagsusumamo ko sa kanya kasi gusto ko talagang makita si Kimi.
"It's a no. Isipin mo muna ang sarili mo, pwede ba?Paano kung magkasakit ka? Eh mas lalong di ka makakapunta dun! Kaya, ngayong araw, magpahinga ka muna. Walang Kimi Kimi. Walang need need. Are we clear?"
Napabuntong hininga nalang ako. Nakikipag argumento ako ngayon kay mommy dahil ayaw niya akong papuntahin sa ospital kung saan naka admit si Kimi.
It's been half a year simula nang dumating kami dito sa Pinas. At hindi parin nagigising ang aking reyna mula sa kanyang mahabang pagtulog. Gra-graduate na kami at ayun tulog parin siya.
Pinagpatuloy ko rin ang pag-aaral ko sa Heaven University. At ngayon ay nasa kwarto ako, nagmumukmok. Kailangan kong gumawa ng paraan para makaalis dito sa bahay at makapunta kay Kimi.
Aha! Tawagan ko kaya si insan. Isang ring pa lang ay sinagot niya na agad ang tawag.
"Insan! Pasundo ako dito sa bahay. Sabihin mo pupunta tayo sa tambayan ng COF. Di ako paaalisin ni mama eh gusto ko ngang makita si Kimi.", sabi ko sakanya.
"Gago ka talaga. Magpasagasa ka nalang kaya para dun kana tumira sa ospital tapos makakasama mo pa si Kimi palagi dun. Hayop ka!", sigaw niya sa telepono.
"Sorry dude. Ganto magmahal eh. Mas malala ka pa kay mama kung maka--", naputol ang gusto kong sabihin dahil agad siyang sumingit.
"Mahalin mo mukha mo!"
At ayun. Pinatay ang telepono. AAAAAHHHHH wala na ba akong kakampi sa buhay?
At sa buong maghapon, nakahilata lang ako sa kama at naghihintay kung kailan papayagan na puntahan ang aking sinta. HAHAHA! Bakit ba nagkakatugma ang aking mga salita? Bahala na nga. Bukas. Magmamakaawa ako kay mommy. Gusto ko makita si Kimi eh. Sabado pa naman ngayon anong gagawin ko dito sa bahay. Matutulog nalang ako. Para bukas, may sapat ako na lakas para yugyugin si Kimi upang magising na siya.
*KINABUKASAN*
Nagising ako mga pasado alas syete na. Agad akong nagtungo sa banyo, naligo at nagbihis. Bumababa ako, at tatanungin ko ulit si mommy kung pwede na ba akong bumisita kay Kimi. Kailangan kong pilitin si mommy ngayon.
"Mommy! Goodmorning.", bungad ko sabay yakap sa kanya ng napakalambing.
"Oh ano, bat ang lambing mo? May kailangan ka na naman? Bibisita ka na naman kay Kimi?", tanong nya at inirapan ako.
"Mommy naman eh hehe, sige na.", lambing ko ulit sa kanya at inalis nya ang yakap ko.
"Linggo ngayon, magsisimba muna tayo pagkatapos ay pupuntahan na natin si Kimi.", sabi niya kaya napangiti ako nang malawak.
"Thank you mommy!", sabi ko at pinaulanan sya ng halik sa mukha.
Nag-umagahan kami at pumunta na sa simbahan. Nagpapasalamat ako dahil sa kung anong meron ako ngayon. Tanging dasal ko lang sana sa Diyos ay ang kalagayan ni Kimi. 4th year na ako ngayon at 4 na buwan nalang ay magtatapos na ako ng highschool. Ewan ko kung ano ang mangyayari kay Kimi, dahil nga sa hindi niya natapos yung 3rd year.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...