HELLO, MAHABA-HABA ITO. SANA MAG-ENJOY KAYO. DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE. THANK YOU FOR READING.
Chapter 24
-FRANCIS JAYROFER-
Naiinis talaga ako sa Xander na iyon! Alam niyang nag-uusap pa kami ni Kimi, sumusulpot. Pero kahit kainisan ko pa siya, siya parin ang totoong gusto ni Kimi. Hayss.
Nandito ako sa apartment, nakadungaw sa bintana. Nakita ko kanina sila Kimi at Xander sa canteen kaya nang umalis sila ay naisipan kong sundan sila. Curiousity kills nga talaga at truth hurts. Dahil sa gusto kong malaman kung saan sila pupunta o kung anong gagawin nila, ayan nasaktan tuloy ako. Ang tanga rin eh.
Nalaman kong liligawan na ni Xander si Kimi, at nakita ko ang reaksyon ni Kimi na hindi makapaniwala. Alam ko naman na ganun ang magiging reaksyon niya, siguro kapag may gusto rin siya sa akin ganun din ang reaksyon ko. Pero paano ba yan, hindi naman siya magkakagusto sa akin. At tsaka, hinalikan ni Xander si Kimi? Haaaay
Naputol ang pag-iisip ko nang may biglang pumasok sa kwarto ko. Lumapit si Pherench papunta sa akin.
"Mukhang may problema kuya ah." Sabi niya at nginitian ako. Napabuntong hininga nalang ako, yung nagdaang mga araw kasi ay hindi na siya nangungulit sa akin. Parang nagmature na ang bubwit. "Parang sawi sa pag-ibig." Sabi niya at napahagikik.
"Mm, parang ganun na nga." Sabi ko at nagbuntong hininga ulit. Hindi ko na ata mabilang kung ilang buntong hininga na ang nagawa ko.
"Court her then." Sabi niya kaya napalingon ako sa kanya at nagbuntong hininga ulit.
"May nanliligaw na sa kanya." Sabi ko at tiningnan ang pulang ulap na malapit nang umitim.
"Hindi porket may nanliligaw na sa kanya, hindi na pwede. Subukan mo, malay mo makuha mo ang puso niya. Hindi pa naman sila. Never give up on something you really want. lts difficult to wait and work hard for it but worst to regret." Sabi niya at umalis na ng kwarto ko.
Tama nga naman, pwede parin naman akong manligaw. Pero mukhang mahihirapan ako. Tsk. Lumabas na ako ng bahay at pumunta sa pinakamalapit na shop na may nagbebentang gitara. Liligawan ko na siya, okay lang kahit mahirap, worth it naman.
***
"Ano bang kakantahin natin?" Tanong ko sa kanilang pito, pito lang kasi wala naman si Xander.
Nandito ako ngayon sa COF, nagpapatulong manligaw. You know, perstaym. Ganun talaga kapag pogi, first timer sa ibang mga bagay. At ang naisipan namin eh pupuntahan namin siya sa bahay nila at haharanahin siya. Pero syempre ako yung mag gigitara at kakanta.
"Eh yung Malaya kaya by Moira Dela Torre?" Tanong ni Hence kaya bigla siyang hinampas ng mga kasama ko.
"Umayos ka nga! Liligawan nga tapos 'Malaya' yung kakantahin?! Siguro kung ikaw yung nanligaw tapos napagdesisyunan mong 'Malaya' yung kakantahin ay basted ka na." Sabi ni Yvan at natawa nalang kami kay Hence. Alam naman naming nagjojoke lang siya.
"Pero seryoso guys, ano na?" Tanong ni Angelo, ang matured sa aming grupo. Nagtaasan naman ng kamay ang kambal at sabay na sumagot.
"Ahm, "Simula pa nung una" by Patch Quiwa." Sabi nila at nagtinginan. Pumalakpak naman si Jethro at lumapit sa kambal.
"Nagpraktis ba kayo? Hehe, oh sino pa diyan ang may suggestion?" Tanong niya sa lahat at nagtaas ng kamay si Jake, pero walang emosyon ang kanyang kamay.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...