CHAPTER 35: I'LL PUNCH YOU TO DEATH
Ilang araw narin ang lumipas simula nung sumali sina Rolly at Alice sa clan, tinetrain narin sila ng mga kasama ko. And Jayrofer is now part of it. Imagine? I can't imagine pala.
Nandito kami ngayon sa isa sa mga bench ng school. Kaming tatlo-- Jemarie, Ako, at Jayrofer-- as always. Pinag-uusapan namin is yung tungkol sa dare.
"Pero seryoso? Ano nga?"
"Ahm-- bumili ka ng isang gallon ng ice cream then ubusin mo for one day?" Suggestion ko. Bigla naman dumugtong ang kilay niya. Nakakatawa talaga siya kapag naiinis. Ang cute.
"Pinagloloko niyo ba ako?! Umayos nga kayo kung ayaw niyong hindi ko sundin yang tarantadong dare na yan." Sabi niya at napaisip naman ako.
"Eh kung mang-akit ka ng babae?" Suggest ni Jemarie. "Tama! Babae! Mang-akit ka!" Napaisip naman ako. Sinong babae ang pwede?
"Sino naman?" Tanong ko, at sa di kalayuan, natanaw ko si Rizagabal na nagbabasa. Owss? Nag-aaral pa pala siya? Akala ko kasi, landi lang yung inaatupag niya dito sa school. Aha! Yun na nga. Si Rizagabal!
"SI RIZAGABAL!" Sigaw ko,
"Huh?! Sinong Rizagabal?" Tanong naman ni Jemarie.
"Yung Riza! Yung malandi!" Sigaw ko.
"Parang hindi karin malandi kay Xander." Natatawang sagot ni Jemarie at sinamaan ko siya ng tingin. Umupo nalang ako ulit at nakita kong napatango-tango si Jayrofer.
"Jayrofer--"
"Teka nga! Endearment niyo ba yang Jayrofer?! Kanina ka pa dada ng dada ng Jayrofer na yan eh. Sino ba yan?" Tanong ni Jemarie.
"Ako." Simpleng sagot ni Jayrofer.
"Ha?? Eh pano--"
"Francis Jayrofer yung full name ko." Sabi niya. At natutop nalang si Jemarie. "So, ano yung dare?"
"Landiin mo si Riza!" Sabi ko.
"Pwede naman, pero okay lang ba sayo?" Tanong niya. Biglang nagparty ang kaluluwa ko, "bakit ka nagbablush?" Tanong niya nang may ngisi sa labi at tiningnan ko si Jemarie at ganun din ang mukha. Nagngingiting aso. Parang ugok.
"Ah wala kaya. Okay lang naman sakin! Bakit naman hindi magiging okay sa akin?!" Tanong ko at natawa ng faaakee.
"Ikaw bahala." Sabi niya at pumunta na doon kay Rizagabal.
Malaki kasi yung free time namin ngayon kasi lunch at may meeting ang mga teacher 1-3 so 3 hours tong free time namin.
"Ano kayang eksena ang mangyayari?" Nasasabik na sabi ni Jemarie.
"Let's see." Sabi ko.
-FRANCIS JAYROFER'S POV-
Ewan ko ba kay Kimi kung bakit ito ang naisipan niyang idare sa akin! No choice naman kasi ako, pero sana naman kahit sinong babae wag lang yung Riza na yun! Tss.
"Hey." Sabi ko at umupo sa tabi niya. Napalingon siya sa akin at natulala pa. Kung hindi lang ito dare, hindi ko ito gagawin.
"Bakit ka andito?" Tanong niya,
"Why? Bawal bang tumabi sa isang magandang babae?" Tanong ko. At kinindatan siya. Gumana sana! Kinilig naman siya at umangkla agad sa braso ko. Ang easy to get niya naman! Ang landi talaga.
"Do you like me?" Tanong niya.
"Bakit? Kung sasabihin ko ba, pwede ba kitang makama?" Tanong ko. Ewsssss, nandidiri na akoooo! Kung kay Kimi ko lang to ginawa, naku!
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...