Chapter 6
-FRANCIS JAYROFER-
Ay, ang dali naman palang iapproach ni Kimi! Whahaha, mission part one accomplished. At teka, walang nakikipagfriend sa kanya dito? Bakit naman?
Pumasok na kami sa loob ng cafeteria. At pagpasok namin, nakatingin yung mga tao sa amin ni Kimi. Tapos nagsimula nang magbulungan. Nilingon ko si Kimi na ngayon ay nakayuko lang at naglalakad patungo kung saan naroon si Xander. Nang makalapit na kami sa mesa hinawakan ko siya sa palapulsohan at tinanong,
"Kimi? Okay lang kaya sa kanya na dito tayo?" Tanong ko, syempre di ko sasabihin yung pangalan ni Xander baka naman magtanong siya kung bakit kilala ko si Xander.
"Oo, okay lang yan. Xander si Francis, yung transferee. Francis si Xander bestfriend ko. Teka, asan na ba kasi si Jemarie?" Tanong niya, "Francis, pwede hanapin mo muna. Kilala mo naman siya diba?" Tanong niya ulit,
"Diba sabi ko di ko kilala yun, tsaka sino ba yun?" Tanong ko ulit.
"Ay 'wag na nga, tara order na tayo." Sabi niya
"Ako nalang ang oorder, dito ka nalang. Ano ang gusto mo?" Tanong ko at nagsimula na siyang magsalita sa gustong kainin. Grabe! Andami.
Nilingon ko si Xander na ngayon ay nakatitig sa amin, at nang nakita niyang nilingon ko siya, nag-iwas siya ng tingin. Wow, ano yun? Parang galit. At pumila na ako.
"Ay kuya, ikaw na mauna. Ang gwapo mo naman hihi." Sabi nung sa harapan ko. Tsaka kinalabit niya yung sa harapan niya at may binulong.
"Kuya, ikaw nalang rin dito mauna. Hihi." Sabi naman nung babaeng kinalabit niya hanggang sa kinalabit nila lahat at ako na ang nasa unahan ng pila.
Mabuti nalang at puro babae na ang nakapila ngayon dito at tsaka napapakinabangan talaga 'tong kagwapuhan ko.
"Sir, ahm, ano po ang order niyo? Hihi." Sabi nung nagmamanage sa cafeteria. Grabe! Pati siya nababaliw sa kagwapuhan ko. Ang gwapo ko ba talaga? Nagsimula na akong magturo ng ioorder. Andami naman! Halos kay Kimi lahat, baka pag naging kami, maubos ipon ko. Hahaha at tsaka okay lang, basta maging kami.
At nang matapos akong pumili, nagbayad na ako at naglakad patungo sa table nina Xander at Kimi. Nasa malayo palang ako halata sa kanilang dalawa na nagsisigawan at mukhang galit si Xander. Binagalan ko ang lakad ko at tinanaw sila. Ano bang pinag-aawayan nila? Tsk. Xander talaga, inaaway yung taong mahal ko. At nang makita nila akong papalapit sa pwesto nila, tumigil sila sa pagsisigawan. Pero yung sigaw na bulong parang ayaw nilang iparinig sa ibang tao yung pinag-aawayan nila.
At nang makalapit ako, pumikit muna ako. "Oh Kimi, yung order mo." Sabi ko sa kanya sabay abot ng mga pagkain, 'MGA' pagkain, 'MGA'. Ganun ba siya katakaw? Whaaa, ano kaya ang itsura niya kapag mataba siya? Siguro mas cute siya. Hehe, pero baka laitin siya kaya 'wag na. Tanggap ko kung ano at sino siya, that's love.
"Salamat Francis," sabi niya sakin at agad na lumingon kay Xander at tinaasan muna ng kilay bago inirapan, at nagsimula na siyang kumain. Nang maramdaman niyang tinititigan ko siya bigla siyang nagsalita, "Woy, kain na."
Naupo ako sa tabi niya at nang makita kong masama ang titig sakin ni Xander, umusog ako ng konti palayo kay Kimi. Seloso, torpe naman.
Time passed by, natapos kami. Grabe walang ni isang nagsalita habang kumakain. AWKWARD, at biglang nagsalita si Kimi.
"Tara na Francis," sabi niya at tumayo at lumabas sa Cafeteria, nilingon ko si Xander na ngayon ay titig na titig sakin. Napaiwas ako ng tingin at sinundan si Kimi.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...