CHAPTER 31: I'M READY TO ENDURE THE PAIN, KIMI

94 6 0
                                    

CHAPTER 31: I'M READY TO ENDURE THE PAIN, KIMI

-KIMI'S POV-

"Sakay." Sabi ni Jayrofer. Umiiyak parin ako ngayon dahil hindi ako makapaniwalang magagawa yun ni Xander sa akin. "Sige na, promise matutuwa ka dun." Lumapit si Jayrofer sa akin at pinunasan yung luha ko. Ngumiti siya at ngumiti rin ako pabalik. Sumakay na ako at pinatakbo niya na ang motor niya.

Hindi niya parin siguro alam na marunong akong magpatakbo ng motor. Natawa ako sa sariling iniisip.

"Oh, ba't ka natawa?" Tanong niya, malakas sa pandinig ko kasi nakasandal ako sa likuran niya.

"Hindi naman talaga ako takot sa motorsiklo." Muntik na akong malaglag nang bigla niyang ipreno ang motor. Gosh! Hinampas ko siya ng malakas sa likuran. "BALIW KA BA?! MUNTIKAN NA AKONG MAHULOG!"

"Kanino?" Tanong niya kaya natawa ako, tiningnan ko yung mukha niya sa side mirror at nakita kong seryoso siya kaya napayuko ako.

"Sorry..." Sabi ko at pinatakbo niya na ang motor. Tahimik lang kami buong biyahe. Mukhang 1 oras na kaming tumatakbo pero pare-pareha lang naman yung nadadaanan namin.

"Hey, umiikot lang ba tayo?" Tanong ko.

"I want to spend more time with you." Sabi niya kaya natutop ako sa likuran. Nailang na tuloy ako kung yayakap ako sa kanya o hindi. Gosh. Nakakabaliw.

5:00 pm nang huminto kami. Tiningnan ko ang lugar, oh. Sa sunset area pala. Bumaba ako ng motorsiklo at sumunod sakanya paakyat sa itaas. Umupo sa damuhan at pinagmasdan ang papalubog na araw.

"Okay ka lang ba?" Mahinang tanong ni Jayrofer.

"Thank you, kasi dahil sayo, nakalimutan ko yung ginawa ni Xander kanina, kahit ilang oras lang." Sabi ko at lumingon sa kanya.

"'Wag ka nang lalapit dun." Natawa na lang ako sa pinagsasabi niya.

Malapit nang lumubog ang araw kaya nagsiilawan narin ang mga ilaw sa ibaba, kitang-kita mo dito ang siyudad. Grabe.

"Kimi," napalingon ako kay Jayrofer nang banggitin niya ang pangalan ko. "May puwang pa ba ako diyan sa puso mo?" Tanong niya.

Napabuntong hininga ako na parang nalulungkot. "Jayrofer, siguro stay put muna tayo kung ano man ang meron tayo ngayon. Let's enjoy our life, ayokong makipag-on sa iyo habang hindi pa ako nakakamove-on kay Xander, baka masaktan ka." Sabi k oat napaiwas ng tingin.

"I'm ready to endure the pain, Kimi. Kung ikaw rin naman ang pwedeng magpapahilom ng sugat ko ngayon. Siguro mas masakit yung ganito, kesa yung maging tayo. I love you Kimi, and I'll prove it everyday that I'm with you." Sabi niya at niyakap ako sa likuran.

"Thank you Jayrofer, thank you kasi nandiyan ka palagi sa tabi ko, pag kailangan ko ng kausap, nandiyan ka. Pero, nalilito ako sa nararamdaman ko kung sino ba talaga ang mahal ko. Simula nung dumating ka bilang Francis, sa tuwing magkasama kami ni Xander, wala na akong nararamdaman, pero palagi kong sinasabi sa sarili ko na crush ko parin siya, gusto ko siya. Pero, ikaw na pala. I always wait for this day na babalik ka para sakin. Akala ko, hindi na. Nasa paligid lang pala, kilala ko, pero iba ang pangalan." Natawa ako sa pinagsasabi ko ngayon habang umiiyak. Para akong baliw.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now