CHAPTER 13- MY COMPANION

162 15 0
                                    

Chapter 13

-FRANCIS JAYROFER-

"Jay?" Nagtatakang tanong niya, "Pangalan mo?" tanong niya ulit. PATAY! Napailing nalang ako at agad na nagsalita.

"Hindi ah! Nickname ko lang yun, diba? diba?" sabi ko sa kanila sabay taas ng kilay dun sa ibang members ng COF, at buti naman nagets nila kaya umoo nalang sila. HAYS!

"Oo, kami lang ang nag nickname nun kay--" tinaasan nila ako ng kilay nagtatanong kung anong tawag niya sa akin. Sinenyasan ko naman sila ng 'francis'. "Nick name namin yun kay Francis, hehe. Diba guys?" Sabi ni Hence Puerto.

"OO!" Sabay sabay nilang sabi at nakangiti pa ng malapad. Napatango na lang si Xander, oo tama kayo. Si XANDER! XANDER VUENAVENTURA, king ina.

"Oy, dun tayo sa sala dali." Sigaw ni Joseph, agad naman kaming sumunod sa kanya sa sala. Umupo kaagad ako sa single sofa, hayyss. Pati ba naman dito makaksama ko ang karibal ko? Hehe, karibal talaga.

"Hey guys, 'di pa tayo nakakapagpakilala kay? What's your name bro?" Tanong ni Joshua Flores.

"Xander, Xander Vuenaventura." Sabi niya at napa 'oooh' naman lahat syempre except sa akin. Kilala ko na naman siya. Tsk.

"Okay Xander, before we ask you plenty of questions. We'll introduce ourselves first." Sabi ni Yvan Gomez, at nagsimula na silang magpakilala.

"I'm Yvan Gomez, you can call me Yvan."

"I'm Jake Fuentes, you can call me Jake."

"I'm Hence Puerto, just, just call me hence. If you want Puerto, that's fine. Hahaha!"

"I'm Joshua Flores, you can call me Josh."

"I'm Joseph Flores, you can call me Sep or Jo. I'm Joshua's twin brother."

"I'm Angelo Ignacio, you can call me Gelo. Nice to meet you."

"Annyeong! I'm Jethro Yuan Fuentes, you can call me whatever you want, nice to meet you!"

"And I'm Francis Santiago." Sabi ko at tama, di ko sinabi ang full name ko. Kasi baka alam niya yung Jayrofer Jayrofer ni Kimi, malay mo kinukwento niya pala ako kay Xander, hehe ang assuming ko naman. Nagtaka ako kung bakit nanlaki ang mata ng mga kasama ko at nangunot naman ang noo ni Xander na nakatingin sa kanila. Hayss, nagtaka siguro sila kung bakit walang Jayrofer. Tsk, bakit ba kasi nagpakilala pa ako bilang Jayrofer sa kanila. Hay obob ko talaga.

Nagbuntong-hininga nalang ako at lumapit kay Jethro at bumulong. "Long story, mamaya ko nalang ikukwento." At tumango naman siya, katabi ko kasi siya. Sumiksik dito sa single sofa.

"Anong problema?" Natauhan ang mga members ng COF ng bilang nagsalita si Xander, kaya umiling sila.

"By the way, where do you live?" Pagsisimula ni Angelo.

"Trios Village in Manila."

"Ha? Pareho pala kayo nitong kambal eh! Hahaha!" -Jethro

"Oyoy! Di naman siya nagtatanong." -Kambal

Natawa nalang kami at nagpatuloy sa pag-uusap. At yung iba pumuntang kusina para magluto. Kaya, konti lang kaming naiwan. Nilapitan ko si Xander.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now