12-13-17
HAPPY BIRTHDAY TO ME, HAPPY BIRTHDAY TO ME, HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAYYYY, HAPPY BIRTHDAY TO MEEEEE. NAGTATAKA SIGURO KAYO NGAYON KUNG BAKIT NAKAUPDATE AKO, WEDNESDAY. GUSTO KO KASING IDEDICATE ANG CHAPTER NA ITO FOR MYSELF. WALA LANG TRIP KO LANG. JOKE LANG. GUSTO KO RIN KASING MARAMDAMAN YUNG FEELING NA NAI-DEDICATE KA SA ISANG STORY. KBYE haha
Chapter 23
-KIMI-
"Osige ba! Libre mo ba?" Tanong ko kay Xander.
"Oo naman!" Sagot niya. Yes. Whahaha makakatipid ako.
"Isasama ko si---." Naputol ang sasabihin ko dahil wala na si Francis sa likod ko. Nagpalinga-linga ako para hanapin siya pero wala.
"Kimi, kanina pa siya umalis. Hindi ko na pinigilan kasi akala ko tapos na kayong mag-usap." Sabi niya. Fuck, ikaw nga ang pumutol sa conversation namin. Ugh nevermind.
"Osige mamaya nalang lunch. Punta na ako ng room." Sagot ko.
"Ihahatid na kita," sabi niya at tumango nalang ako.
Habang naglalakad kami sa hallway pinagtitinginan na naman kami ng mga schoolmates namin. Hindi nila alam kung anong pagtitimpi ang ginagawa ko kapag palagi kong kasam tong si Xander or di kaya naman si Francis. Ang sarap nila tanggalan ng mata para matigil na ang kakatingin nila sa amin. Nang marating na namin ang clasroom ay agad akong nagpaalam kay Xander at pumasok.
Maingay at magulo. Iyon agad ang sumalubong sa akin pagpasok ko ng classroom. Umupo na ako pero napansin kong wala pa rin si Francis. Baka bumili lang sa cafeteria. Hindi na kami mag-eexam ngayon dahil natapos na namin lahat ng subjects kahapon. Pero narinig kong may event daw mamayang hapon sa auditorium.
Natahimik lamang ang lahat ng mga kaklase ko nang biglang pumasok si Prof. Laquimaete. As usual, Lakimata.
"Good morning," sabi niya at bumati naman kami. "There will be no classes today announced by our principal. There is an event at Auditorium 9:00 am. Secretary please record the presents and the absents. That's all for today." Sabi niya at tumingin sa relo niya. "Oh, it's already quarter to 9, please proceed to the auditorium. Goodbye." Sabi niya at umalis na ng tuluyan.
Kinuha ko na ang backpack ko at lumapit kay Jemarie. Sabay kaming pupunta sa Auditorium dahil kami lang rin naman ang nagpapansinan, kami lang ang magkakampi. Kaazar. Papalabas na kami ng classroom bago ko naisip si Francis.
"Uy Jemarie, nakita mo ba si Francis?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway at nadadaanan ang mga classroom na walang tao. Napalingon siya dahil sa tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Hindi naman siya pumasok sa classroom. Bakit?" Tanong niya at umiling na lamang ako. Saan na naman ba yung kigwang iyon?
Nagpatuloy lang kami ni Jemarie hanggang sa marating namin ang Auditorium. Pero napatigil ako nang makita ko si Xander sa labas na parang may hinihintay. Lumapit kami ni Jemarie sa kanya.
"Hey Xander! Sinong hinihintay mo?" Tanong ko.
"Oh! Nandito pala kayo. Kanina pa kita hinihintay." Sabi niya at binaling ang paningin sa katabi ko. "Oh, hi! Jemarie, right?" Sabi niya kay Jemarie, napansin ko ang pamumula ng pisngi ni Jemarie at para bang naiilang siya. Tumango si Jemarie at bumulong sa akin.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Novela Juvenil1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...
