CHAPTER 18- THEY ARGUED

166 9 0
                                    


-MICNIELLE-

Nakasakay kami sa kanya-kanya naming sasakyan habang nakasunod sa sasakyan ni Ate Monique at Ate Grazeille. Buti nalang at lumabas ako at hindi sila masyadong nahirapan pabagsakin yung mga nakasunod sa kanila. Sa gate pa lang kasi ay nag-aaway na, buti na lang at may mga puno dito bago marating yung base namin at walang nakakitang ibang tao. At ngayon? Hindi namin alam kung saan magpapalipas ng gabi.

Napahinto ako ng biglang huminto ang sinasakyan nina Ate Grazeille at Ate Monique. Kaya napahinto rin si Pherench sa gilid ko at ang 6T's sa likod ko. Psh.

Napatingin ako sa harapan namin, second floor na bahay. Kay tito Steve ba ito? Bakit hindi ko alam na may bahay pala siya dito sa Pilipinas? Akala ko yung bahay niya lang sa Korea inaatupag niya eh. Bumaba ng sasakyan sina Ate Grazeille, Ate Monique, Tito Steve, Ate Kimi at ang dalawa niyang kasama sa bahay.

Napalingon din ako sa likod at nakapark na sa tabi ang kotse ng 6T's at pati na rin ang motor ni Pherench, kaya itinabi ko na rin ang motor ko. Pumasok kami sa loob ng mansiyon at sinalubong kami ng mga maids. Umupo si Tito Steve sa sofa kaya sumunod kami sa kanya.

"Sa ngayong wala pa akong alam na base na pwedeng mapagtataguan, dito muna kayo manatili. May limang kwarto ito, pero sa loob ng isang kwarto may tig tatlong kama. Kaya maghihiwalay ang tatlo sa mga 6T's at lilipat sa kabilang kwarto. Grazeille, Monique at Kimi naman sa kabilang kwarto. At kayong dalawa, Pherench at Micnielle, bumalik kayo sa apartment niyo. At si Nelia naman at si Andoy ay sa kabilang kwarto din." Sabi ni Tito Steve. Agad naman nagsalubong ang kilay ko.

"Pero Tito Steve! Ang unfair, wala na akong pera pambayad sa apartment mag-iisang buwan na ako doon." Reklamo ko, pero parang wala lang rin naman kay Pherench. Huhu.

"Pareho lang naman kayo ni Pherench eh."

"Pero Tito. May baon naman iyan linggo-linggo galing sa mommy niya. Ako? Kawawa naman ako, wala na akong matutulugan. Sinisingil na nga ako doon kahit hindi pa nag-iisang buwan, tapos wala na akong pera pangkain, paano kung mahanap ako ng isa sa mga Troopers Clan, siguradong pipilitin nila ako na umamin kung nasaan kayo ngayon nagtatago at sasabihin ko sa kanila na--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nang nagsalita si Tito Steve.

"Fine, fine, fine, fine. Doon ka sa kabilang kwarto ikaw lang isa." Sabi niya na ikinalungkot ko.

"Ate Kimi, sama tayo." Sabi ko at ngumisi siya at umiling na para bang pinagbabantaan ako na may multo doon. Ugh. Wala na akong nagawa kundi tumango. Sa totoo lang may pera pa naman ako. Hehe.

"Aleng Flor, pakihanda po ng hapunan." Sabi ni Tito Steve doon sa matandang babae.

"Sige po, Sir." Sagot niya naman at umalis na.

***

Nandito ako sa balkonahe sa second floor katapat ng sala. Tulog na ang lahat kaya tahimik na. Ang bilis ng panahon, dati masaya lang kami at walang problema, tapos ngayon. Ugh. Dapat pala at hindi ko na sinabi sa kanya yung nararamdaman ko kung iiwasan niya lang pala ako.

"Mic." Napaigtad ako ng biglang may nagsalita sa likuran ko. At napagtanto kong si Tripp iyon, boses pa lang, ugh. Bago pa man siya makalapit sa akin ay tumakbo na ako palabas ng balkonahe, sa pinakadulo ang kwarto ko kaya mas binilisan ko pa, ayokong magkaroon na naman ng ugnayan sa kanya. Ayoko nang masaktan pa, ayoko na. Tama na ang pagpapakatanga, akala ko okay lang eh! Hindi naman pala!

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now