CHAPTER 10- SHARE TO YAYA

192 16 2
                                    

A/N: Hello guys, salamat pala sa nagfafollow sa kin dito. Yun lang. Hahaha at tsaka thanks for voting, commenting, and sharing.

-----------------------------------
Chapter 10

-KIMI-

Nagising ako at napagtanto ko na wala na ako sa hospital-- kinuha na kaya ako ng multo? Looord, dali dali akong bumangon at umalis ng kama yakap-yakap yung kumot. At parang familiar yung bed sheet. Pinalibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto at punong puno ng hello kitty. Hello kitty rin kasi yung kama--Ah! Kwarto ko pala. Phew, napaupo ako sa kama habang dala dala ko parin yung kumot. Teka, paano ako nakarating dito? Tsaka sabi ng doctor, dun daw ako sa hospital magpapahinga. Ah, bahala na nga. Basta I'm home!

May benda parin ako sa ulo tapos ang baho baho ko pa. Huhu, pwede na kaya akong maligo? Kahit half bath lang? Bumaba ako ng hagdan, ay teka mali mali. Lumabas muna ako ng kwarto tapos sinarado ang pinto tapos humakbang pababa ng hagdan. At pagbaba ko nakita ko si Xander na nanonood ng TV, di niya siguro ako napansin kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko si yaya. Kaya nagtanong ako.

"Yaya, paano po ako nakapunta dito?" Tanong ko sa kanya habang papalapit sa refrigerator at binuksan ito. Kumuha ako ng pitsil na may lamang malamig na tubig at kumuha ng baso at uminom. Ayan, detailed na. Napalingon naman si yaya sakin pagtanong ko.

"Ah, bumalik sila sa trabaho kasi andiyan naman daw si Xander. Tsaka hinatid ka dito ni Xander. Pinag-utos daw kasi ng mom mo na dito ka nalang magpapahinga. Kaya kinumbinsi ni Xander yung doktor at buti naman at pumayag." Sabi ni yaya habang naghihiwa ng mga kamatis at bawang. Hmm, ano kayang lulutuin niya? Pwede kaya akong tumulong? Binalik ko sa refrigerator ang pitsel at nilagay sa sink yung baso.

"Yaya, ano pong lulutuin niyo?" Tanong ko sa kanya. Mukhang masarap to ah!

"Itlog lang naman, lalagyan ko ng kamatis at bawang para mawala yung lansa. Tsaka bacon yung paborito mo at hotdog." Sabi ni yaya. Nagtatalon talon akong lumakad papuntang sink upang maghugas ng kamay. Yey! Bacoooon, --WHAAAT?! Bacon? So ibig sabihin umaga na? Napahinto ako sa paghuhugas at dali daling pumunta sa bintana ng kusina namin at umaga na nga!

"Yayaaaaa! Umaga na pala, kaya pala ang baho baho ko!" Sabi ko habang pabalik sa kinatatayuan ko kanina. "At saka po, may klase pa po ako. Patay ako neto kasi dalawang araw akong absent." Sabi ko. Napakamot ako sa ulo.

"Kimi, absent ka na muna ngayon kasi di ka pa nakakapagpahinga." Sabi niya yaya sakin. WHUT? Absent?

"Pero yaya--" pinutol ni yaya ang sasabihin ko at nagsalita siya.

"Hayaan mo muna yan, ang mas mabuti ngayon eh makapagpahinga ka. Umakyat kana muna sa itaas at dadalhan kita ng breakfast." Sabi ni yaya at pinagpatuloy ang pagluluto. Napatango nalang ako at padabog na umakyat. Pero bago paman ako makaapak sa hagdan, may humipit sa kamay ko at pinaharap ako sa kanya. Si Xander pala. Tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, "Anong kailangan mo?"

"Kimi, hanggang ngayon ba di mo ako papansinin? Galit ka parin ba sa akin?" Sabi niya, parang pataas ng pataas yung boses niya. Ugh! This is annoying.

"Ano? Iniisip mo ba na iniiwasan kita?! Ugh, your so pathetic. If that's what you're thinking, let go of me." Napaenglish na ako sa galit at aba hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko. Buset na lalaking to. "I said let go of me!" Sumigaw na ako at inagaw ang kamay ko sa kamay niya at dali daling umakyat pataas. Lecheng lalaking yun, bago niya ako sigawan sa cafeteria siya pa may ganang magalit. Buset, tapos iisipin niya pang iniiwasan ako?! Wat da heck. Ugh! Napahiga nalang ako sa kama at tumitig sa kisame.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now