CHAPTER 38: TOO LATE
Nang makarating ako sa airport ay agad akong tumakbo papasok. Naghihiling na sana maabutan ko pa siya at masilayan man lang kahit isang minuto lang. Gusto kong magpaliwanag sa kanya at sabihing mahal ko siya pero natatakot ako na baka wala na siyang nararamdaman pa. Sa sulat nalang na iniwan niya ako umaasa na meron pa kahit isang katiting lang.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng lobby at pilit hinahagilap ng mata ko ang mukha niya. Pero wala akong nakita ni isa. Huli na ba ako para sabihin sa kanya na mahal ko rin siya?
"Excuse me miss, nakaalis na ba ang eroplano papuntang America?" Tanong ko.
"Yes po ma'am pero may isa pa pong eroplanong papunta din doon." Sabi niya kaya nabuhayan ako ng pag-asa. Nagpabook ako ng flight. Gusto kong sundan siya.
Pagkalipad na pagkalipad ng eroplano ay agad na naisip ko ang kalagayan niya. Ano kayang nangyayari sa kanya ngayon? Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako.
-FRANCIS JAYROFER'S POV-
Parang nakita ko si Kimi na dumaan sa tabi ko, imposible namang sundan niya ako kasi sinabi niya na nga sa akin na hindi niya ako kayang mahalin.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni mommy sa akin.
"Ah, nothing mommy."
PAGkalapag ng eroplano ay sinabihan na kaming lahat na bumaba na. Umuwi na kami sa bahay at bumungad sa akin si Daddy at si Jerome na walanghiya kong pinsan. Miss ko tong gunggong na ito.
"Bro! Sabi mo bumalik ka dun para sa kanya eh parang bumalik rin sayo yung sakit mo ah." Tukso niya. Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa sofa.
"Jayrofer, babalik tayo sa doctor mo mamaya. Be prepared." Sabi ni mommy at tumango nalang ako. Nang umakyat na siya sa itaas ay tumabi si Jerome ng upo sa akin.
"Anong ganap dun sa Philippines?" Tanong niya. Marunong rin kasi siya sa lenguwaheng Filipino kaya nagkakaintindihan kami at hindi na kailangang mag-English. "Nakaiskor ka ba?" Tanong niya kaya bigla ko siyang nasapak.
"Shut up."
"Kung anong iniisip isip mo. Ang tinatanong ko eh kung natapos mo an ba ang balak mo dun? Pero impyernes ha! Ang lakas mong manapak. Anong ginawa mo dun? Kaya siguro bumalik yang sakit mo eh no?" Sunod sunod niyang tanong.
"Whatever." Sabi ko.
"Hala, grabe. Galing ka nga sa Pinas tapos pagbalik mo dito nag-eenglish ka na. Ang gulo mo." Sabi niya at umalis. Napailing nalang ako at pumasok na sa kwarto ko.
-KIMI'S POV-
Nakarating na ako dito sa America at feeling ko mawawala ako! At hindi ko rin alam kung anong address ng bahay nila. Maygad! Ang tanga ko talaga! Hindi ko man lang yun naisip. Tsaka yung kotse ko naiwan pa ata sa airport! Anong oras na?! My goodness. Ilang araw ba yung biyahe!! Hindi ko man lang alam.
Kinapa ko ang cellphone sa pantalon ko at nilabas ko. Nisearch ko ang pangalan ni Pherench sa FB at tinawagan siya. Siya ang may kasalanan nito eh! Sinabihan akong sundan daw si Jayrofer tapos hindi man lang ako binigyan ng address!
"Hello?"
"HOY! WALANG HIYA KA, PINAPAPUNTA MO AKO DITO MAY PA SABI SABI KA PANG SUNDAN KO EH HINDI KO NGA ALAM KUNG NASAAN YUNG BAHAY NUN!"
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Ficțiune adolescenți1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...