CHAPTER 16- I CATCHED THEM

136 16 0
                                    

Chapter 16

-KIMI-

Tatlong araw na ang nakalipas pagkatapos ng napaka-awkward na nangyari, yung pagkikita namin sa apartment niya at ang nasabi ko sa kanyang pinakatago-tago kong sikreto na kahit kay Xander ay hindi ko nasabi. Ewan ko, pero may nararamdaman rin ako sa side ko na parang mapagkakatiwalaan ko siya.

Ilang linggo pa lang naman nung una kaming nagkita pero parang matagal ko na siyang kilala. Nabigla ako nang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Nanlaki nalang bigla ang mata ko nang mapagtantong si Francis iyon.

From Francis,

Hello Kimi! May lakad ka ba ngayon? Labas tayo, bored na bored na ako dito sa bahay, palagi namang wala si Pherench. Nakakamiss din pala siya.

Natawa nalang ako sa text niya. Namimiss rin pala si Pherench, inaaway pa. Agad naman akong nagreply sa text niya.

To Francis,

Sige, pick me up at 10:00 am. Bored na rin ako dito.

Pagpindut ko ng send ay agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Kung nagtataka man kayo kung saan ko nakuha ang number niya, nung time kasi nung awkward moment, binigay niya. Gusto niya lang daw. Tss, shabu pa.

***

Nandito na ako sa kusina, nag-aalmusal baka matagalan si Francis at magutom pa ako. "Kimi, dahan-dahan lang." Sabi ni yaya kaya nginitian ko na lamang siya. Maya-maya lang ay may narinig na akong sunod-sunod na door-bell. 9:30 am pa naman, ang aga ah. Excited lang. Akmang lalabas na si yaya kaya pinigilan ko na lamang siya.

"Yaya, ako na po." Sabi ko.

"Oh, saan pala ang punta mo?" Tanong niya sa akin. Napangiti naman ako. Ang ganda talaga ng gising ko.

"May pupuntahan po ako, secret lang. Hehe. Bye yaya." Sabi ko at patakbong lumabas ng bahay, hindi na ako nakapagpaalam kay Kuya manong kasi nasa bakuran siya ngayon. Pagbukas na pagbukas ko ng gate ay biglang nanlaki ang mata ko. Xander?!

"Hi, mukhang pinaghandaan mo ang lakad natin ah." Nakangiti niyang sabi, huh? May lakad ba kami?

Patay.

Whaaa, oo nga pala. Nagtext siya sa akin nung isang araw na pagbalik niya ay may pupuntahan kami.

"Hehe, hindi naman." Sabi ko at pilit na ngumiti. Palinga-linga ako sa paligid at baka makita ko si Francis. Ugh! Pano na 'to? Nasabi ko sa kanyang pupunta kami, tapos.. Hayyy.

"Oh, sinong hinahanap mo?" Tanong niya at nabigla naman ako at umiling. "Tara na." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's seat. Wala akong nagawa kun'di sumakay.

Dali-dali ko namang kinuha ang phone ko habang wala pa si Xander at nagcompose ng message para kay Francis na hindi ako makakapunta kasi kumikirot ang sugat ko.

To Francis,

Woy, sorry. Hindi ako makakapunta, kailangan ko daw munang magpahinga. Sorry Francis.

"Huy! Sino iyan?" Napatalon ako sa inuupuan ko dahil sa gulat nang magsalita si Xander dahilan nang pagkabunggo ko sa atip nito. Nakapasok na pala siya.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now