Chapter 4
-FRANCIS JAYROFER-
Nakalimutan na ba talaga ako ni Kimi?
Sabagay, sino ba naman ako para alalahanin niya?
I'm just her first kiss, no big deal.
Hinintay niya kaya ako?
Ako? Hihintayin niya? Ang gwapo ko naman kung ganun! Haha
O baka naman hindi, masakit mag assume. Natagalan kasi ako sa America. Pa'no ba naman kasi, hindi natuloy yung magdodonate, kasi nga daw tumutol yung lolo nila. Ayun, naghintay kami ng ilang months and naging successful naman ang operation. Dahil sa America din naman nagtatrabaho si daddy, nanatili nalang kami dun kasama si mommy.
Kaya lang naman ako nakagawa ng paraan para makapunta dito eh dahil kay insan...
Alam niya lahat tungkol kay Kimi....
*FLASHBACK*
Haysss, siguro makakahanap naman ako ng paraan para mapuntahan si Kimi. Baka nakalimutan niya na ako?
Kamusta na kaya siya? Antagal ko na kasing namalagi dito sa America, buti nalang at andito rin si insan.
Pero, ano nga ang magandang paraan para makabalik ako sa Pilipinas? Tsk, matawagan nga si insan.
"Uyy, Jay! Napatawag ka? Ano kelangan mo?" Tanong niya, hahaha alam niya talagang tatawag lang ako sa kanya pag may kailangan. Tch, nasanay na.
"A-ano kasi, a-ano ba ang pwedeng gawin para makabalik ako sa Pilipinas ng maaga, yung hindi pako makakagraduate ng high school?" Tanong ko,
First year high school pa kasi ako ngayon.
"Tsk! Ano ba kasing pupuntahan mo sa Pilipinas? May kaibigan ka ba dun?!" Tanong niya.
"Oo."- Ako
"Eh?! At kailan ka naman nagkaroon ng kaibigan dun?! Eh halos lahat, ilibing ka ng buhay, mawala ka lang sa paningin nila!" -Siya
"Tch, first day of school kasi, nung grade one ako. Diba kinabukasan nun eh aalis ako kasi may donator na 'daw' ng puso. Kaya ayun, may nakilala ako. Newbie, maganda. Nakipagfriend siya saken. Eh, sino ba naman ang tatangi? Huta, siya na nga lang ang nagtangkang makipagkaibigan sakin! Tatangihan ko pa? Kaya ayun, pak! Tapos nagpaalam ako na pupunta ako ng America! Haha King ina! Hinalikan ko! Bata ko pa nun ah, marunong nakong magpogi-points, hehe." -Ako
"Insan! Kalandian yun, di pogi points, ULUL!" -Siya
"Ganun na rin yun, insan! Bwahaha, dumadaloy talaga sa dugo natin ang kagwapuhan!" -Ako
"Insan! Sa dugo lang ba?! Bwahaha!" -Siya
"Pero ito insan, seryoso na. Pa'no ako makakabalik sa Pilipinas? Pa'no kaya kung makikipagchat ako sa mga arabo?! Ay teka! Arabo? Lalaki, so kapag babae, Araba?! Ah oo, makikipagchat ako sa mga Araba. Ay! Teka, Araba? Putspa sa mga Amerikana nalang kaya, kasi NAPAKAKURIPOT daw ng mga arabo! Hahaha, mas mga magaganda yung mga Amerikana, at tsaka madali ko lang makukuha yung pera kasi nasa America naman tayo eh! Hahaha." -Ako
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...