CHAPTER 21- DISCUSS ABOUT CONTRACT

128 12 0
                                    

HELLO! MADAMING NEW CHARACTER NO? HEHE, KUNG GUSTO NIYO ISALI YUNG NAME NIYO, JUST COMMENT ON THIS CHAPTER. TRY KO KUNG MAY PAGLALAGYAN PA NG BAGONG CHARACTER. DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE. THANKS FOR READING.

Chapter 21

-KIMI-

Nagising ako 4:30 ng hapon. Nakalimutan ko, pupunta pa pala ako sa base namin. Kinuha ko yung phone ko, gusto ko sanang mag selfie at ipost ito sa facebook at captioned "woke up like this" kaso baka hinihintay na nila ako. Wala rin naman silang text message sa akin, ah baka busy lang.

Bumangon na ako at dumiritso sa walk-in-closet ko upang magbihis ng damit. Pagkatapos ay bumaba na ako. Naka-pedal lang ako at naka Tshirt na plain. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga 'off-shoulders' 'crop-top' o kung ano pa ang uso ngayon. Nakita ko si yaya na nasa kusina naghahanda ng meryenda.

"Yaya, balik lang ako kay lolo, huwag mong sabihin kela mom at dad at pati kay kuya. Pag hinanap nila ako, just tell them na gumawa kami ng project ng classmate ko." Pagsusumamo ko kay yaya,

"Osige sige, ikaw talagang bata ka. Huwag kang masyadong magpagabi ha! Baka maghinala sila." Sabi ni yaya at tumango ako at tumakbo na palabas.

Pumunta ako sa garage at pumasok sa loob ng kotse ko. Yes! I have a car. But i don't have a licence. Pero nag-iingat rin naman ako. Pinaandar ko na ang sasakyan at nagtungo sa bahay ni lolo, iisang village lang kasi kami kaya malapit lang. Ayoko namang maglakad lang baka mamaya harangan pa ako ng mga Troopers Clan, naloko na!

Pagkatapat ko sa bahay ni lolo ay agad akong pumasok. Wala kasing guard yung bahay niya or etcetera. Yaya lang talaga. Pagkapasok ko ay agad ko silang nakita sa sala na nakapalibot. Agad akong lumapit at umupo sa bakanteng upuan na katabi ni Pherench.

"Anong meron?" Bungad ko sa kanila.

"About the intention of the Troopers Clan in your house." Sagot ni Trev sa akin, isa sa mga 6T's.

The Contract.

"What's with the contract?" Tanong ko,

"That's why we're conducting a meeting." Sarcastic na sagot ni Tyler, wow! For the first time nagsalita ang kigwa! Ang sungit sungit naman kasi! Kapareho lang sila ng kakambal niyang si Tyron! Hindi ba napapanis yung laway nila? Ugh.

"Enough. Okay let's start." Suway ni lolo, buti nalang. Baka sumagot na naman ako, hinding hindi ako nagpapatalo.

"Tito Steve, may alam po ba kayo tungkol sa contract." Tanong ni Tripp na katabi ni Tristan at si Tristan naman katabi ni Pherench sunod ako. Gusto niya talagang makatabi si Pherench.

"Actually, yes." Sagot ni lolo, What?!

***

"What are we doing here?" Tanong ni Rolly, nandito kami ngayon sa condo na parang wala nang gumagamit. Sayang!

"Gusto niyong malaman yung tungkol sa contract hindi ba?" Tanong ni lolo sa amin at agad naman kaming tumango. "Well, dati na naming kalaban pa ang Troopers Clan. Muntikan na kaming mawalan ng buhay noong nakipag-laban kami sa kanila. Nung mga oras na iyon ay buhay pa ang lola mo, at ang dad at mom mo ay kasapi ng clan namin." Sabi ni lolo at biglang nanlaki ang mata ko nang marinig na kasapi rin sina mom at dad sa clan na ito.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now