HELLO WATTPAD, HELLO WORLD. THANK YOU SO MUCH FOR READING THIS STORY. HAPPY 2K READS! DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE. THANK YOU.
Chapter 22
-FRANCIS JAYROFER-
Ilang araw na ang lumipas nung nag-usap kami ni Kimi sa gym. Nag-review lang kasi kami dahil mamaya na kami mag-eexam. Nandito ako ngayon sa kwarto ko, nakahiga at nakaharap sa ceiling at nagme-memorise ng mga kailangang imemorize. Ugh. Ang hirap, hindi na nga pumapasok yan si Prof. anong pangalan nun, tapos ang daming lessons na lalabas daw sa exam.
5:00 am pa kasi kaya nagme-memorise pa ako. Kanina pa akong 4:00 am dito pero walang pumapasok sa ulo ko. "Wala kasing pintuan kaya ayaw pumasok." Banat ko sa isip ko. Kumokorni na naman ako.
Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Wala na talaga akong pag-asa sa science. Pagkatapos maligo ay nagbihis na at pumuta sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng mailuluto. Tsaka, napansin kong gabi na umuuwi si Pherench sa bahay. Isusumbong ko talaga yun kay Tita Kath. At ang napili kong lulutuin ay itlog. Ewan ko nalang kung anong kinalabasan nito basta makakain lang ako.
Pagkatapos ay success naman ang pagluluto. Gusto kong pumunta sa bubong ng apartment at magtatalon-talon sa tuwa dahil nakaluto ako ng itlog na walang damaged. Kumain na ako at lumabas na ng apartment. Papalabas na ako ng bahay upang kunin ang motor ko nang may nahagip ng mata ko. Dahek? Bakit may mga lalaki sa labas? 6:30 am palang naman. At lahat pa talaga nakablack. Lumapit ako sa kanila.
"Ahm, sinong kailangan ninyo?" Sabi ko, hindi ko naman kailangan mag po at opo dahil mga 2nd Year pa naman ang mga ito. Anim silang lahat at may dalang sasakyan.
"Ahm, si Pherench po." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya. Manliligaw ba ito ni Pherench? Bakit ang dami?
"Anong kailangan niyo sa kanya?" Nagtatakang tanong ko.
"Ah kasi po pinapatawag po siya ni Tito---" naputol ang sinabi ng lalaki dahil sumingit ang isa.
"Pinapatawag po siya ni Micnielle, yung kaibigan niya po. Ahm, Tyler po pala." Sagot nung lalaki. Nagtanong ba ako kung anong pangalan niya? Bahala na.
"Sinong Micnielle? At bakit kayong lahat pa ang sumundo sa kanya? Pilay ba yung kaibigan niya at hindi siya makapunta?" Sarcastic na tanong ko.
"Ahm, ano po kasi---"
"KUYA!" Napalingon ako sa pinangalingan ng boses at nakita kong si Pherench iyon na bihis na bihis na at mukhang may pupuntahan. Ang babae talagang ito, ang tigas ng ulo.
"At saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Kay Micnielle kuya, yung babaeng pumupunta dito!" Sagot niya.
"Sundo mo ba ito?" Tanong ko at tinuro sakanya yung anim na nga lalaki at ngumiti siya bago tumango. "Bakit may sundo?" Tanong ko.
"Eh kasi kuya, baka daw madisgrasya ganern ganern kaya pinasundo niya ako. At kung tatanungin mo na naman kung paano siya nakakuha ng sundo eh kasi mayaman naman siya. At kung tatanungin mo kung bakit hindi siya makapunta dito, kasi madami siyang ginagawa, at kung tatanungin mo na naman kung anong gagawin ko doon, iisturbuhin siya. Ano? Sapat na ba iyan para maka-alis na ako?" Tanong niya at dinaanan lang ako. Walanghiyang Pherench.

YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...