CHAPTER 3- HE'S BACK!

279 30 0
                                    

Chapter 3

-KIMI-

Kauuwi lang namin galing sa school, kela Xander parin naman ako tutuloy. Ewan ko ba kung gaano kadali sa kanya pahiyain yung Riza Lopez na 'GIRLFRIEND' kuno niya. At aba! May transferee. Correction, MGA TRANSFEREE.

*FLASHBACK*

Pagdating na pagdating sa school nabingi agad ako sa mga sigawan ng mga estudyante dito. Grabe kung makatili wagas! Eh pa'no ba naman kasi?! Xander Vuenaventura yan eh! Ano ba? Hehe.

"I love you Xander!"

"Xander tanan na tayo!"

"Xander, Oo na! Sinasagot na kita!"

"Xander! Buntisin mo ko!"

Sigaw ng mga babaeng paulit ulit lang ang sinasabi. At saka-- Ano daw?! Buntisin?! Pwet nila mabaho! Sila nalang bubuntisin?! Tsk tsk tsk. Maganda nga, wala naman sa tamang huwisyo--!

"OMG! Girl sino yan?! Gwapoooo!"

"Omaygas! Ngayon ko lang siya nakita ah!"

"Kuya Gwapo! Kung anong pangalan niyo, mahal na mahal po kita!"

"Saranghae Oppa! Kamukha mo po si Lee Sin!"

"Aba oo nga 'no?! Yung sa Heart String?!"

"Omaygas! Oo napanood ko yun, KDRAMA!"

Tilian na naman nila at napalingon naman ako kung nasaan ang lalaking iyon at natigilan ako.

O

M

G

OMG!

Ang gwapo nga niyaaaa! enebe nemen yen, baka mawala yung pagkaloyal ko kay Xander dahil sa kanya! Hehe. Ang gwapo niya talaga, aaaaassss iiiin!

"Kimi, tara." Napaigtad ako nang magsalita si Xander. At agad naman akong natauhan, tumango ako sa kanya at sumunod.

Hinatid niya ako hanggang classroom namin. Tss, nandiyan na naman yung nambubully sakin. Siguro kung nakakahubad lang ang tingin, kanina pa ko nakahubad dito at makikita nila ang aking magandang katawan. No way! Over my sexy and hot body, bawal! Tss, di ako gaya ng mga iba diyan!

Sinamaan ko rin sila ng mga tingin, ata aba'y di papatalo! Hmp. Nagulat nalang ako ng nasa harapan ko na si Xander.

"Ano ba 'yang mga ibinubulong-bulong mo?" Tanong niya habang nakakunot and noo. At agad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Wala. Nagmememorize lang ako, nagmememorize kung paano manumbat ng tao. Tsk" sagot ko, bulong yung sa pinakahuli para 'di niya marinig. Pero mukhang matindi talaga ang pandinig ng kapre na ito eh narinig talaga.

"Anong sumbat?! Ha? May kaaway ka ba Kimi?!" Galit na tanong niya. Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Magagalit na naman siya at tatanungin kung sino ang nanguna at paparusahan. May uutusan iyan siya na tapunan yung mga babae ng itlog at harina. At pagkatapos, sa akin naman maghihiganti yung pinapahirapan niya! At ako naman ay pagagalitan siya! Aba't cycle ba ang tawag dito at nagpaikot ikot lang kami?! Psh

"Sumbat, Sagot kamo! Ano ang isusumbat ko o isasagot ko sa titser kung baka sakaling tanungin niya ako! Wag kang praning Xander." Asik ko naman sa kanya. OA na masyado eh!

"Pumasok kana nga! Tawagan mo 'ko mamayang lunch, okay?" Sabi niya at tumango na lamang ako at pumasok sa classroom. Tahimik naman ako dito sa room kasi wala akong friend kahit isa! Dahil nilalandi ko 'daw' si Xander! Ang kapal, tss.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now