A/N: This chapter is also dedicated to PhrbChim95 as Pherench Aquillon. Tingnan natin ang kakulitan niya. Happy Sunday at tsaka, happy 400 reads.
Chapter 9
-FRANCIS JAYROFER-
Pag dating na pagdating namin sa apartment ko, binuksan niya agad yung mga maleta at nilabas yung mga off shoulders niya. King ina, andami naman niyang dala. Buti naman may yaya kasi di ko talaga yan lalabhan. Dumiritso ako sa kwarto ko, mabuti nalang at dalawa ang kwarto dito at tsaka may folding bed naman. Dun nalang yung yaya niya, hehe. Pinikit ko ang mga mata ko at nagmulat agad ng niyugyog ni Pherench yung balikat ko.
"Kuya, mamaya ka na matulog. Mag dredress-up pa tayo, remember?" Sabi niya ng nakapameywang at nakataas ang kilay. At tsaka ano raw?--DRESS-UP? King ina, kami? Magdedress up?
"H-hoy! Anong dress-up pinagsasabi mo?" Napatingin ako sa mga off shoulder na nasa kama niya at ang dami. "Tsaka ano? Yan? Susuotin ko?" Tanong ko sa kanya na nakakunot ang noo at inis na inis.
"Hindi kuya, yung damit mo ang susuotin mo pero kung gusto mo talaga mga off shoulders ko, okay lang naman kung pati yan susuotin mo. Kanina mo pa pinagtitripan off shoulders ko eh." Sabi niya tsaka umirap.
"Hoy, Pherench tigil tigilan mo ako diyan sa mga pangti-trip mo ah! Gusto mo ipatapon kita pabalik dun sa America? Pasalamat ka nga at pumayag ako na dito ka tumira." Pangbabanta ko sa kanya, tumayo ako at umupo sa upuan ng desk ko.
"At kuya, baka nakakalimutan mo? Sa akin ibibigay ni Tita yung dagdag baon mo tapos ako ang magbibigay sa'yo kung magiging mabait ka sakin. Kung lang naman." Sabi niya pa at ngumisi. ANO? SA KANYA IPAPABIGAY NI MOMMY YUNG DAGDAG BAON KO? WTF!
"Ha?! Sayo pinabigay ni mommy? Bakit sayo eh pwede namang sa akin nalang. Oh? San na yung dagdag baon ko?" Tanong ko sakanya sabay lahad ng kamay kong nakabukas at handa ng tumanggap ng pera.
"Hmm. Ibibigay ko ba sayo o hindi? First of all, ang sungit mo kanina nung nagpara ka ng taxi, tapos sinisigawan mo ako. Pano ba yan? Di ka naging mabait, soooo. Goodbye dagdag baon... Kyahhh hahaha!" Sabi niya at akmang hahabulin ko siya ng kumaripas siya ng takbo pababa ng apartment.
"Yaya, pakisundan si Pherench. Baka mapano." Sabi ko at agad namang tumango ang yaya ni Pherench at sinundan ito pababa ng hagdan. Hays, pano ba yan? Wala akong baon? Dapat talaga makikipagsundo ako kay Pherench. Ang taray naman kasi ng babaeng yun at tsaka ang arte pa.
Nahiga ako sa kama ko at tiningnan ang relo ko kung anong oras na. (1:34pm) ahh, 1:34pm pa naman, 1:34pm?!!! Anong oras nga yung class ko? Ahhh oo, 1:30pm. Ah teka--WTF?! 1:30 late na akooooo. Late na naman puchaaa huhu. At teka, si Kimi. Okay na kaya siya? Dadaanan ko nalang siya, bahala na malate ako. Tumayo ako at tiningnan yung sarili ko sasalamin, uhm. Gwapo pa naman. Hehe.
Dali dali akong bumaba ng hagdan at naabutan ko si Pherench na inaaway yung kapitbahay. Tapos yung yaya niya, ayun nakatingin lang sa kanila. Tsk, like alaga like yaya. Agad ko naman silang nilapitan. "Anong ginawa mo Pherench?" Tanong ko sa kanya. At napabaling ako sa bata na umiiyak.
"Eh kasi kuya siya eh dinumihan yung damit ko." Sabi niya sabay hawak hawak pa sa lace ng hat niya. Nagtataray na naman. Hinawakan ko yung bata na hanggang ngayon eh umiiyak. Pinatahan ko muna bago ko hinila sa Pherench papasok ng apartment.
"Ikaw talaga, ang taray mo. Wag mo nga silang awayin. At tsaka yaya, bantayan mo nga itong si Pherench, pag may inaaway suwayin mo. Di yung titingnan mo lang." Sabi ko sa kanila at agad namang napayuko yung yaya. "Ikaw Pherench, sundin mo yung yaya mo. Late na ako sa class ko. Una na ako." Pagpapa-alam ko at inon ang motor at nagtungo sa hospital.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...