A/N: THIS CHAPTER IS DEDICATED TO MI AMOR RenzMarelleNoval, HAPPY BIRTHDAY! GOD BLESS YOU ALWAYS LABYAH, MUAH.💕
-KIMI-
"Anong kailangan niyo?" Seryoso kong tanong sa kanila.
"Sabi nang wala kang makukuhang sagot sa amin eh!" Sigaw ni Cedric, siya lang naman ay may lakas ng loob na sumagot dahil kilala niya narin naman ako. King ina, ayaw talaga ah!
"Kayong dalawa? Magsasalita kayo o pwede rin namang...." Hindi ko tinuloy ang sasabihin ko dahil gusto ko silang takutin. At aba! Epektibo naman pala, "Tsk tsk tsk, Cedric. Ang pangit mo talagang mag-recruit." Pang-aasar ko sa kanya.
"Walang hiya ka! Hoy, kayong dalawa. Huwag na huwag kayong magsasalita!" Sigaw ni Cedric doon sa dalawa na ngayon ay nanginginig na dahil sa takot. Nilapitan ko yung dalawa at hinimas himas ko ang buhok.
"Ano! Magsasalita kayo o papatayin ko kayo?!" Sigaw ko dahilan para matakot sila, hinihimas ko parin ang buhok nilang dalawa at agad na sinabunutan iyon "Ayaw niyo talaga ah."
"T-tama na! M-maawa ka sa amin!" Pagpupumiglas ng dalawa kaya hininto ko ang pagsabunot sa kanilang buhok. (A/N: Gusto ko silang pangingilan eh.)
"Ano? Magsasalita kana?" Tanong ko.
"Hoy kayong dalawa! Sabing huwag kayong magsasalita!" Panananakot na naman ni Cedric.
"M-magsasalita na kami......" Sabay sabi ng dalawa at binitawan ko na sila, konting sabunot lang pala.
***
"Alam mo na ba ang kailangan nila?" Tanong sa akin ni Monique.
"Hindi pa." Sagot ko naman.
Nandito kami ngayon sa office na nagsisilbing base namin. Ang hirap hatakin ng tatlo papasakay sa kotse. Tinawagan ko kasi sina Monique at Grazeille upang sunduin ako sa bahay at pagkadating dito sa office ay kinwento ko na ang buong pangyayari. Sina Monique at Grazeille lang naman kasi ang may kotse at yung iba ay motor na. Meron din namang kotse yung 6T's kaso tinatamad ang mga mokong. Bagong recruit sila at okay rin naman silang pakisamahan. Ang tatamad nga lang.
"So, anong plano?" Tanong ni Pherench sa akin dahilan para sumagot si Micnielle.
"Hoy hoy! Anong plano plano iyan! Hintayin muna natin si Tito Steve, pumunta nga yun dito para tulungan tayo eh! Ganyan naman kayo diba? May mga taong handa na kayong tulungan at tapat sa inyo pero mas pinili niyo yung akala niyo ay tapat pero hindi naman pala!" Sigaw ni Micnielle at tumingin doon sa isa sa mga 6T's, hindi ko alam kung ano ang pangalan dahil hindi pa sila naipapakilala sa akin. At ayun nga! Nagwalk-out ang king-ina.
"Anyare dun?" Tanong ni Grazeille at Monique. Nagkibit balikat nalang kami ni Pherench at biglang napalingon sa 6T's.
"May kasalanan ba kayo kay Micnielle?" Tanong ko doon sa lalaking tiningnan niya kanina habnag nagsasalita nun. Agad naman silang umiling. Isa nga lang yung tinatanong, lahat sumagot.
"Uyy, gising na pala." Pag-iiba ng topic ng 6T's, pinatulog muna kasi namin saglit yung tatlo kasi nagpupumiglas habang pinapasok sila sa kotse.
YOU ARE READING
Falling For Two (COMPLETED)
Teen Fiction1 Word, 1 Syllable, 4 Letters, 1 vowel, and 3 consonants. That's the word 'FALL'. Word that can hurt you in one wrong move, word that have deep meaning, meaning that we don't easily understand. A girl named Kimi. A girl who wants happiness, A...