CHAPTER 19- ANNOYING

136 13 0
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO MY INNOCENT CLASSMATE, ROLYSSA LEE GELBOLINGO. ENJOY READING!

-MICNIELLE-

"Rolly?! What are you doing here?!" Gulat kong tanong sa kanya at nagulat naman siya dahil alam ko ang pangalan niya.

"Teka--how did you know my name?!" Gulat niya ring tanong, hindi niya kasi ako nakikita dahil nakatalikod ako sa ilaw, at kung lilingon man siya sa side ko, masakit sa mata kasi yung ilaw yung mas mangingibabaw sa paningin niya.

"Rolly Geronimo." Sabi ko sabay smirk at unang lumabas ng park. Sumakay ako sa motor ko, at naramdaman ko namang sinusundan niya ako. Madilim padin sa part na iyon kaya hindi niya ako maaaninag.

"Sino ka ba talaga? And, why do you know my name? How?" Tanong niya sa akin, aba! Nasa Pilipinas na nga, english pa nang english. Di ba siya nahihirapan? Halos mapanis na nga yung laway ko doon sa Korea kasi hindi ko sanay ng English at hindi rin ako marunong mag-Hangul.

"Secret." Sabi ko, inon ko na ang makina pero pinigilan niya ako.

"Teka, salamat pala." Sabi niya, akala ko pa naman nakalimutan niya nang magpasalamat. "And why are you here early at this moning?" Tanong niya, ugh! English na naman.

"Pwede ba? Huwag ka ngang english nang english. Alam mo namna magtagalog eh!" Asik ko sa kanya.

"A little bit. Hehe." Sabi niya sabay kamot sa ulo. "Saan pala yung bahay niyo? Hatid na kita, baka mapano ka. Babae ka pa naman." Sabi niya, WHAT?!

"Hoy hoy! Mapano ako? Eh baka ikaw nga itong mapano eh! Kalalaking tao hindi maitanggol ang sarili." Sabi ko sa kanya.

"Okay lang naman eh," sabi niya sabay talikod at pumunta doon sa parking lot ng park, maliit lang naman yung space. Anong gagawin niya diyan? Napatigil siya at lumingon sa akin ng may naglalakihang mga mata. "Nawawala yung motor ko!" Sigaw niya sa akin at nagkibit-balikat nalang ako.

Akmang aalis na ako kaso hinabol niya ako at pinatigil. "Pwede bang makisakay?" WHAT?!

"Are you out of your mind?! Sasakay ka sa akin na hindi mo kilala?" Sigaw ko sa kanya, ayan tuloy naka-english ako.

"Parang kilala kita eh. You're familiar. Your voice, the length of your hair, the shape of your--"

"Okay stop. Sakay." Sabi ko, hindi ko na pinagpatuloy ang sasabihin niya. Alam ko namang maypagka-green si Rolly pero ugh! Nakakainis parin. Tumigil naman siya sa pagsasalita at sumakay na. "Saan ka bababa?" Tanong ko sakanya.

"Wala akong kakilala dito. Kakarating ko lang dito kagabi, naghotel muna ako at dahil gusto kong magkaroon ng sariling bahay. Maaga akong umalis ng hotel at naghanap ng bahay sa mga subdivision, pero dito yung inuna ko." Mahaba niyang paliwanag. Buti naman at hindi na siya nag-english. 5:00 am na rin kaya papasikat na ang araw. At tsaka, DAHECK?!

"What?! Wala kang matutuluyan?!" Gulat na tanong ko habang nagdadrive papalabas sana ng village. Hininto ko muna baka gusto niyang maghanap ng bahay. Baka meron nga naman dito.

"Meron sa hotel, pero gusto ko yung sa village eh." Sabi niya, okay na naman yung sa hotel eh. Kaso magasto lang kasi bayad per night, mayaman din naman ang mokong na ito.

Falling For Two (COMPLETED)Where stories live. Discover now